Pulis lang daw ang libre? Netizen, nilibre ang lalaking walang pamasahe na mangga lang ang balak ibayad

Pulis lang daw ang libre? Netizen, nilibre ang lalaking walang pamasahe na mangga lang ang balak ibayad

- Isang mahirap na lalaki ang pilit na pinabababa ng jeep dahil wala itong pamasahe

- Kinompronta ito ngkonduktor kung pulis ba siya at nais niyang pamgpalibre, inalok ng lalaki na mangga na lamang ang pambayad ngunit mas lalong nagalit ang konduktor

- Umani ng papuri ang netizen na nagbahagi ng kwentong ito dahil nilibre na lamang niya ang lalaking walang pamasahe

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen ang nagbahagi ng nasaksihan niyang kaganapan nang sumakay siya ng Jeep.

Nakasabay kasi niya ang isang lalaki na walang pamasahe at nakiusap sa konduktor ng jeep kung maaring libre na lamang siya.

Nalaman ng KAMI na pilit pinababa ang lalaki dahil nga wala itong pamasahe. Tinanong pa ng konduktor ang lalaki kung pulis ba ito at nais niyang magpalibre at dahil pulis lang naman daw ang libre.

May dala-dalang supot ng mangga ang lalaki na pilit inaalok sa konduktor kung pwede daw na iyon na lamang ang pambayad niya.

Pulis lang daw ang libre? Netizen, nilibre ang lalaking walang pamasahe na mangga lang ang balak ibayad

source: article's readers

Ngunit lalo itong ikinainis ng konduktor na tumataas na ang boses sa pamimilit sa lalaki na bumaba na lamang.

Ayon pa sa lalaki, ang kakaunting pera kasi na natitira sa kanya ay pangkain na lamang sana nila ng kanyang pamilya.

Dahil labis na nadurog ang puso ng netizen na nagbahagi ng kwentong ito, di na niya pinababa ang lalai at nilibre na lamang niya ng pamasahe.

Laking gulat ng netizen nang iniaabot parin ng lalaki ang mga mangga bilang kabayaran sa pamaseh ngunit di na ito tinanggap ng netizen.

Samantala, hinangaan ng husto ang netizen na ito na kahit manlang daw sa sitwasyon na iyon ay naiangat ng lalaki ang kanyang sarili na lugmok sa matinding kahirapan.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Hay salamat may ..mabait parin sa mundo...pagpalain kapa ng Dios...alam natin maraming mangloloko..pero sa kapareha ni kuya..kapaniwala wala po ang kaso nya..godbless po"

"Thank u kuya..sana ganyan lahat ng tao may malasakit sa kapwa tao"

" Nakakainis lang yung ibang mga taong walang awa sa kapwa tao. Kawawa naman si manong Godbless kay manong at kay kuyang mabait Godbless din po "

"Good job.Wag kang Mag Alala Bro...Subra2x ang matatanggap mo Sa ateng AMA."

"Godbless s naglibre kay manong.babalik sau yan hundredfolds"

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The MONA LISA? | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars

Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars

Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel