Mag-asawang fishball vendors, biglang yaman dahil lang sa siomai

Mag-asawang fishball vendors, biglang yaman dahil lang sa siomai

- Dahil sa sipag at diskarte ng mag-asawang sina Raquel at Reynante Manimtim, umasenso sila sa buhay dahil sa fishball

- Dating fishball vendor si Reynante pero dahil di sapat ang kinita na halos 100 at 150 lang isang araw, nag-isip sila ng ibang pagkakakitaan at pinasok pa nila ang ibang negosyo

- Di nila inaasahan ang biglang asenso sa pagbebeta ng fishball

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang kahanga-hanga ang diskarte sa buhay ng mag-asawang Raquel at Reynante Manitim.

Dahil lamang sa pagbebenta ng siomai, di inaasahang biglang asenso ang dating naghihikahos nilang buhay.

Nalaman ng KAMI na dating fishball vendor si Reynante. Kumikita lamang siya noon ng 100-150 pesos sa isang araw na sobrang kulang para maitawid ang pang-araw-araw na buhay nilang pamilya.

Bago pa ito, naging tagaluto ang mag-asawa ng isang karinderya si Reynante. ₱1,000 na lang ang natitirang pera nila noon na ginawa nilang capital para magtinda na lamang ng fishball ngunit hindi talaga ito sapat.

Dumating pa noon sa punto na ₱100 na lang talaga ang laman ng wallet nila ngunit di ila sumuko. Ginamit muli nila ito para gawing puhunan sa pagbibenta ng bananacue.

Si Raquel ang nagluluto ng bananacue habang si Reynante ang naglalako. Sa liit parin ng kanilang kinikita sa pagbebenta ng bananacue, naisipan ng mag-asawa na gumawa ng home-made siomai.

Di nila inaasahan na magiging patok ang siomai recipe na ito nina Raquel at dahil dito nakabili sila ng bike na may sidecar na gawa sa kawayan.

Kalaunan, nakabili rin ang mag-asawa ng foodcart. Dahil sa kanilang walang tigil na determinasyon, nakahiram pa sila sa bangko ng halagang ₱25,000 na siyang ginamit nila para makabili pa ng 6 na food cart.

Mula noon, di na napigilan ang paglago ng kanilang negosyo.

Narito ang kabuuan ng kanilang kwento na nakuha ng KAMI mula sa Youtube.

Pumapalo na sa ₱45,000-48,000 ang kinikita ng mag-asawa kada araw. Kaya naman pag tinantanong ang mag-asawang Raquel at Reynante kung nanalo sila sa lotto, ang sagot naman ng mag-asawa, 'tumama sila sa siomai.

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The MONA LISA? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica