Bongga si Maris Racal! Nagpapatayo na ng bahay at restaurant

Bongga si Maris Racal! Nagpapatayo na ng bahay at restaurant

- Asensado na nga ang dating PBB housemate na si Maris Racal dahil ngayon ang nagpapatayo na siya ng bahat at restaurant

- Unti-unting tinutupad ng 20 years old na aktres at singer ang kanyang mga pangarap at ito nga ay ang magpatayo ng bahay at kanyang restoran

- Bumisita ang dating housemate ni Kuya sa 'Magandang Buhay' nina momshies, Queen Mother Karla Estrada at Melai Cantiveros

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nitong Miyerkoles lang, July 4, bisita ng show nina Karla Estrada at Melai Cantiveros si Maris Racal at ang mga magulang nito.

Sa nasabing guesting na una naming naispatan sa ABS-CBN website ay tinanong ang mga magulang ni Maris tungkol sa mga pagbabago sa buhat pati na rin tungkol kay Iñigo Pascual.

POPULAR: Read more news about Karla Estrada here

Pinaluto pa ang tatay ni Maris at sa segment na ito ay naitanong ni momshie Melai tungkol sa restaurant at sinabi naman ni aktres na pinapatayo pa lang sa Davao.

Sambit ng dalaga:

"Itinatayo pa lang. Pero hindi pa siya nagi-start."

Dagdag naman ng nanay niya na pagnaka-uwi na daw siya bubuksan na iyon.

Naispatan din ng KAMI ang naturang video sa nasabing site at nabahagi din ni Maris na may bahay din siyang pinapatayo.

Kaya naman naging happy ang mga momshies sa asenso na natatamo sa buhay ng aktrest at singer.

Dito binahagi ni Maris Racal na bata pa daw siya e kuriput na siya at sa pagtitipid ng pera kaya siya nakapagpagawa ng kanyang bahay.

"Ever since bata pa ako, ako 'yung pinaka-kuripot na tao na makilala mo."

Dugtong pa niya:

"Kasi ayaw ko talaga [gumastos nang gumastos] ng pera."

Bumisita pala si Maris Racal kina momshie Karla Estrada at Melai Cantiveros sa 'Magandang Buhay' dahil may ipropromote na album na pinamagatang 'Stellar' at may gagawin din daw siya na isang mini-concert at sa July 7 sa Skydome magaganap ang album launch ng nasabing album.

Si Mariestella Cañedo Racal o mas kilala sa showbiz bilang Maris Racal ay isinilang sa Tagum, Davao noong September 22, 1997.

Unang nakilala ang aktres at singer bilang isa sa mga housemates sa 'Pinoy Big Brother' at inuwi ang 2nd place ng nasabing kompetisyon.

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari at marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter YouTube videos

Source: Kami.com.ph

Related news
14-day-old na baby, patay sa pagpapadede raw ng ina na antok na antok na

14-day-old na baby, patay sa pagpapadede raw ng ina na antok na antok na

14-day-old na baby, patay sa pagpapadede raw ng ina na antok na antok na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel