Sinugod nina Vice Ganda at 'Walwal' boys ang restaurant ni Nash Aguas

Sinugod nina Vice Ganda at 'Walwal' boys ang restaurant ni Nash Aguas

- Tinapos nina Vice Ganda at ang mga 'Walwal' boys na sina Donny Pangilinan at Jerome Ponce ng isang hearty bowls ng 'MuRamen,' ang restaurant ng batang aktor na si Nash Aguas

- Isang masayang kwentuhan at LOL road trip ang tila nangyari sa Unkabogable superstar sa episode ng GGV kasama sina Donny at Jerome

- Naispatan ng KAMI ang video na binisita nila ang negosyo na ramen house ng batang businessman at 'The Good Son' aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natapos sa isang napakasarap at mainit na 'MuRamen' bowl ang LOL trip nina Vice Ganda at 'Walwal' stars, Donny Pangilinan at Jerome Ponce, at si Bonita.

Ang may-ari ng nasabing restaurant ay walang iba kung hindi ang binatang aktor na si Nash Aguas.

Sinalubong naman ng huli ang mga bisita niya na ang isa ay kasamahan niya sa katatapos lang na teleserye ng Kapamilya network ang 'The Good Son' na si Jerome.

Ayon sa kwento niya, nakaka-accomodate daw ng 40 ka tao ang kanyang restaurant nang tinanong siya nina Vice sa capacity.

At puno lage daw ang nasabing restaurant, ayon na din sa sagot ni Nash kay Vice.

Ikinwento din ni Jerome na nabahagi ni Nash sa kanya na dalawang buwan lang daw ay nakabawi na daw agad.

Ibig sabihin ganoon kadali ang asenso kaya naman walang ibang masabi si Vice kung hindi magaling.

Madami ang naaliw sa kwentuhan ng magkakaibigan at mga pangarap na naabot at ang todo asenso ni Nash Aguas ay talaga namang dapat tularang ng ibang kabataang artista na dapat marunong mag-invest.

Nagtrending nga nasabing YouTube video dahil na din sa nakakahangang asenso ni Nash at kalokahan ni Vice kasama pa ang mga 'Walwal' boys.

Sa ibang bahagi, isa na namang social experiment ang ginawa ng grupo at nagtanongtanong ng mga ilang tricky questions sa mga Pinoy.

Panoorin sa babang video

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel