Parang teleserye! Rina Navarro, inaakusahan na diumano nang-agaw din ng fiancé kagaya ng binibintang niya kay Ara Mina

Parang teleserye! Rina Navarro, inaakusahan na diumano nang-agaw din ng fiancé kagaya ng binibintang niya kay Ara Mina

- Lumabas ang isang Gina Magat upang ibulgar na diumano ay inagawan din siya ni Rina Navarro ng fiancé

- Ayon kay Gina, ang inaakusa ni Rina kay Ara Mina ay kaparehas ng ginawa nito sa kanya

- Marami pa siyang detalye na ibinunyag patungkol kay Rina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang babae na nagngangalang Gina Magat ang may matinding akusasyon laban kay Rina Navarro. Si Rina ay naging usap-usapan matapos niyang akusahan si Ara Mina na nagkaroon ng affair sa kanyang ex-fiancé na si Undersecretary Dave Almarinez.

Nalaman ng KAMI na ayon kay Gina, inagaw din diumano ni Rina ang dati niyang fiancé at lumabas siya ngayon para isiwalat ang katotohanan ukol kay Rina.

Rina Navarro, inaakusahan na diumano nang-agaw din ng fiancé kagaya ng binibintang niya kay Ara Mina

Rina Navarro, inaakusahan na diumano nang-agaw din ng fiancé kagaya ng binibintang niya kay Ara Mina (Photo: Rina Navarro)

"I admit, until now, I have nothing but hatred for that woman," ito ang maanghang na pahayag ni Gina ng ma-interview siya ng PEP. Limang taon na raw ang nakalipas ng diumano agawan siya ni Rina ng fiancé.

Ayon sa PEP, nitong June 11 ay nagpadala si Gina ng private message sa Facebook page nila.

"What happened to Rina Navarro was the same scenario I had 5 years ago. That girl, Rina, had an affair with my fiancé and just gave birth that time. I guess Karma is slowly consuming her. Tell her to stop acting like a victim. Her IG post was moving, but it won’t erase the fact that she did the same way to me like Ara Mina. Just sharing," laman ng message ni Gina sa PEP.

Personal na na-interview ng team ng PEP si Gina nitong Martes, July 3 sa isang restaurant sa Quezon City.

Sagot ni Gina kung bakit siya lumabas sa media at ano ang nag-udyok sa kanya para ilahad ang nangyari, "Yung nakikita ko yung mga articles at mga interviews, yun nga, nanggigigil ako. Parang, di ba... siyang-siyang yun, e, yung mga ibinibintang niya, siya yun, e.

"Alam mo, kahit magharap kami, takot [siya] sa akin, swear. So, parang naiinis lang ako na, Paano ka makakapagsalita ng ganyan, e, ginawa mo nga iyan sa akin, e. Pero walang nakakaalam. Walang nakaalam."

Sinimulan ni Gina ang kuwento ng mga naganap noong taong 2013.

"E, kasi, nangyari muna yung incident before kami naging magkaibigan, e. That was 2013. Yung ex-fiancé ko was meeting Rina for business purposes. But later on, I found out that they were having an affair when I accidentally saw them in Gerry’s Grill, ABS-CBN.

"They were having dinner and there was a little confrontation, but not scandalous. So, pinuntahan ko sila dun, then I met her. And then I started talking, ganito na pala, I thought they were there for a meeting.

"Tapos they were denying, e. Rina was denying na… I saw them na… They were having a meeting about business. That was the time na she was planning on making a movie or a short film about her late husband.

"And then, yun, pinuntahan ko sila dun sa resto. And then, sabi ko dun sa ex ko, ‘Akala ko magmi-meeting ka about office, about work?’ Tapos, I asked her na, ‘Is this a meeting?’ I noticed then na ang close nila. Tapos parang may physical contact, like, nag-lean sa balikat siya [Rina]. Tapos the way they talked, sobrang close yung face nila, kasi magkatabi sila.

"Tapos sabi niya, ‘We’re just friends.’ Gumanun siya, ‘We’re just close.’ Then, after that, I left na rin, 'tapos she left. Sabay kami umalis nung resto.

"And then, after that incident, she texted me and said, yung ginawa ko raw was uncalled for. So, parang ako pa yung mali na nahuli ko sila. Parang kasalanan ko pa kung nahuli ko sila.

"Then, after days or weeks, she started texting me again, parang nakikipagkaibigan siya. Pini-friend niya ako… ano pala, to know my plans. To know about what’s happening in our house. Kung saan ako pupunta, kasi minsan inaaya pa niya ako, e, ‘Let’s watch a movie’ or ‘Let’s go to a bazaar.’ Yung mga ganyan."

"That was the first meeting. Then, after that nga, she began texting me. Tapos we even met sa Greenhills. Nagkita pa kami sa Greenhills nga, e, kasi medyo ano na kami, e... Siguro my fault was medyo naging ano na ako sa kanya, na I even started making kuwento sa kanya na kung ano yung ginagawa ko sa bahay.

"Kasi, she keeps on asking, e. E, yun pala, sinasabi niya dun sa fiancé ko yung mga sinasabi ko. Kasi itong si fiancé, di na rin kami nag-uusap that time, e. Di na rin siya umuuwi sa bahay."

Base sa kuwento ni Gina, meron silang three-month-old na baby ng kanyang ex-fiancé nang mangyari lahat ito dahil nagsasama na sila noon kahit hindi pa sila kasal.

Vice president daw ng isang kompanya noon ang ex-fiancé ni Gina at 3 taon din silang naging magkarelasyon nito.

Sagot ni Gina ng tanungin kung magpapakasal na ba sila dapat, "Yes, supposedly."

Hindi raw natuloy dahil, "Yeah, naghiwalay kami for a while. Umalis siya ng house, 'tapos I found out that they were renting a condo in Quezon City together. Tapos, after a few months, the guy came back din naman sa bahay. Then, yun nga, he realized daw na wala naman daw yun.

"Pero itong isa [Rina], email pa rin nang email. Email nang email, like, nagsi-send ng mga links, mga vacation links papuntang Boracay, yung mga ganun. Actually, parang email yung communication nila that time."

Walang text? Tanong ng PEP.

"Text, I don’t know... baka makita ko. I know the passcode kasi that time. Actually, passcode was very ano pa... actually I don’t have any idea kung ano yung passcode, as in hinulaan ko lang.

"Ano kasi, parang lumalapit sa akin yung mga proofs without even asking kung ano yung… Wala akong source, kasi wala kaming personal o common friend ni girl..."

Rina Navarro, inaakusahan na diumano nang-agaw din ng fiancé kagaya ng binibintang niya kay Ara Mina

Rina Navarro, inaakusahan na diumano nang-agaw din ng fiancé kagaya ng binibintang niya kay Ara Mina (Photo: PEP)

"Maybe because of the child," yan daw ang dahilan kung bakit nakipagbalikan siya sa ex-fiancé.

Patuloy ni Gina, hindi raw naputol ang pangungulit ni Rina sa kanyang ex-fiancé.

"Ayun, she keeps on texting pa din. Nagti-text pa din… nagsi-send siya ng mga pictures niya. Pictures nung bata... because my ex-fiancé was one of the ninongs nung binyag nung son niya.

"Kasi buhay pa yung late husband, e, that time, which is boss nga ng late husband yung ex- fiancé ko.

"Meron pa iyang time na nag-email pa siya sa ex ko, e, pero together pa kami nun. Pero mga two years ago lang din ito. Nag-email siya na gusto niyang makipagkita dun sa ex ko. Because of the confirmation nung son sa school. Kailangan daw yung mga ninong.

"So, since I have access dun sa email ng ex ko, so ako ang sumagot. Hindi alam ng ex ko. Sabi ko sa kanya, ‘E, bakit siya lang ba ang ninong? E, isa lang naman ang kailangan sa kumpil. E, di kontakin mo yung ibang ninong tutal diyan ka magaling.’

"Basta ginanun ko na siya, inaway ko na din siya sa text. Sabi ko, 'If you keep on… If you will bother us, makakarining ka na talaga sa akin."

Rina Navarro, inaakusahan na diumano nang-agaw din ng fiancé kagaya ng binibintang niya kay Ara Mina

Rina Navarro, inaakusahan na diumano nang-agaw din ng fiancé kagaya ng binibintang niya kay Ara Mina (Photo: Gina Magat via PEP)

Para kay Gina, karma ang nangyari kay Rina ngayon sa isyu niya kay Ara Mina.

"Karma. Oo, karma. Parang kung di ko man siya nakarma before, pero slowly, ito na. Parang gusto ko sabihin, 'E, yun ang ginawa mo sa akin dati. So, anong karapatan mong mag-play as a victim diyan ngayon when gawain mo iyan?'

"Ginawa din niya, same scenario—may anak din sila, may baby din sila. Ako, anak ko, three months, di ba? Actually, sinabihan ko pa siya before na parang, ‘Hindi mo ba alam kung ano yung feeling nang mawalan ng loved one?’ Kasi biyuda siya, e. Kasi ito ginagawa niya sa [taong] may family. I have all the proof, e, kasi nag-usap kami."

Ang dahilan naman kung bakit siya nagpadala ng message sa PEP.

"When I saw the article about her, biglang nag-flashback sa akin. Well, I admit, until now, I have nothing but hatred for that woman. As in ano, kasi yung effect niya before sa buhay ko, sobra. Sobra. Lahat naapektuhan, e. Yun yung bagay na hindi mo makakalimutan kasi she never asked for forgiveness. Wala e, parang ano pa siya...

"Ang dating parang naagawan, awang-awa siya… Yung every day para siyang namamatay? That was the same feeling I had nung ginawa niya sa akin yun.

"Kasi, parang she’s using God pa sa mga posts niya. Yung mga Biblical verses na pinu-post niya. Tapos she would say na parang she wanted to get the sympathy of the people na makakanood nung interview at makakabasa nung article, na parang aping-api siya. Na parang siya yung victim dito sa pangyayari. When in fact, ganun din yung ginawa niya five years ago."

Handa naman si Gina kung sakaling ma-bash siya at hindi siya natatakot dito.

"Siguro, I’m in the position to talk. Kasi ako lang yung nakakaalam ng totoo, e, and her. Hindi naman kasi, I think, nasa tamang side naman ako. And I'm just expressing my right as a woman."

Kung sakaling pumalag si Rina sa mga akusasyon niya, "Baligtarin? Magharap kami? She cannot deny the fact na magkakilala kami. Kasi, we used to text, we had a picture together. So, may mga proofs na we really know each other."

Natanong siya ng PEP kung may motibo ba siya sa pagpapa-interview, "For this? I have nothing to gain from this. Ang gusto ko lang, ma-prove na karma works pala. Hindi man noon, pero ngayon."

Pinadalan din daw niya ng message sa Viber si Rina nung pumutok na ang isyu sa kanila ni Ara, "Tini-text ko yun, e, na ano, ‘Stop the drama,’ sa Viber, wala, seen lang. Kasi kung ano, puwede niyang sagutin, alam niya number ko, e. Wala, e, deadma lang siya."

Bakit siya matapang sa mga akusasyon niya, "Ako yung victim, e."

Mensahe niya kay Rina, "Magbago ka na."

Rina Navarro, inaakusahan na diumano nang-agaw din ng fiancé kagaya ng binibintang niya kay Ara Mina

Rina Navarro, inaakusahan na diumano nang-agaw din ng fiancé kagaya ng binibintang niya kay Ara Mina (Photo: Arniel Serato via PEP)

Si Rina Navarro ay isang political strategist ni Francis Tolentino at member din siya ng Cinema Evaluation Board. Si Gina Magat naman ay isang center manager ng isang IT school sa bansa.

This Philippines public prank will leave you laughing in tears! Today, we are going to take selfies with random people in the mall and observe their reactions. Are you ready to have a good laugh? Would you be able to take a selfie with a random person? Some of the strangers from the Philippines were happy to be in the photo while others were confused and surprised. How would you react? Click “Play” and watch these funny reactions right now!

Selfie With Strangers Challenge: The Funniest Reactions Ever - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Proud mama Isabelle Daza finally introduces her super cute son to the world!

Proud mama Isabelle Daza finally introduces her super cute son to the world!

Proud mama Isabelle Daza finally introduces her super cute son to the world!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel