15 years old na ina bumuhos ang luha ng ikwento ang buhay kay Kuya Wil

15 years old na ina bumuhos ang luha ng ikwento ang buhay kay Kuya Wil

- Sa isang episode ng Wowowin sa Kapuso network sa GMA-7 ay ang mga manlalaro ni Kuya Wil sa kanyang segment na 'Willie of Fortune' ay mga batang ina

- Isa sa mga contestants dito ay si Rang na 14 years old pa ay nagkaanak na sa nobyo ng anim na buwan pero hindi pinanindigan

- Ngayon, sa edad na 15 years old ay may dalawang anak na siya, ang isa ay 1-year-old na at ang pangalawa naman ay 3 months sa yumaong kasintahan na 62 years old

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa kwento ni Rang, nabuntis siya ng kanyang boyfriend ng anim na buwan pero iniwan daw siya nang nalaman nabuntis siya nito dahil umano hindi anak niya ang kanyang dinadala.

Pero kalaunan ay na-inlove siya sa isang 62 years old, ang pangalawang boyfriend niya, at saad pa niya na napamahal daw ang yumaong karelasyon dahil tinutulungan umano siya nito

Nagkaanak siya sa 62 years old na yumaong kasintahan at ngayon ay 3 months old na ang kanilang baby, ayon na din sa kwento ni Rang.

Wala naman daw asawa ang nasabing lalaki pero may anak na at nang namatay daw ito ay tinutulungan umano siya ng naturang anak.

Sa pagpapatuloy na pagtanong ni Kuya Wil ay nalaman ng KAMI na iniwan pala siya ng Nanay niya kaya daw nagkaganoon ang buhay niya.

Ayon din sa ama ,sumama daw sa iba ang ina ni Rang.

Bumuhos ang luha ni Rang ng magpasalamat sa kanyang ama dahil hindi daw siya pinabayaan kahit nangangalakal lang ito.

Nagpaalala din si Willi Revillame sa mga kabataan ngayon at sa pagsali ni Rang sa show ay natulungan naman ito ni Kuya Wil.

Sa ibang bahagi, isa na namang social experiment ang ginawa ng grupo at nagtanongtanong ng mga ilang tricky questions sa mga Pinoy.

Panoorin sa babang video

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars

Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars

Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel