OFW na ina bonggang sinuklian ng mga anak ng isang engrandeng bakasyon

OFW na ina bonggang sinuklian ng mga anak ng isang engrandeng bakasyon

- Nagviral nga ang istorya ng isang OFW na ina na bonggang sinorpresa ng kanyang mga anak na pinagtapos nya ng pag-aaral

- Ayon pa sa kwento ng netizen na si Hanz Alcanzare sa kanyang Facebook page kamakailan lang, 20 years nagtrabaho ang ina nila sa Hong Kong para matustusan ang kanilang eskwela

- Kaya nang nakatapos silang lahat ay niregaluhan nila ang kanilang ina ng all-expense trip sa isang taon para makatravel at mamasyal sa labindalawang bansa sa Asya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na kagulat gulat na magtrending ang napakagandang kwento na ito tungkol sa isang masipag at ulirang ina na umalis ng bansa nagtrabaho sa dayuhang bansa para lang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak.

Ito ang istorya ng ina ng netizen na si Hanz Alcanzare na nakakainspire talaga ng sobra sobra.

Lahat ng mga magulang siguro naman ay gusto na mabigyan ng magandang buhay at pinakabest ang kanilang mga anak lalo na tungkol sa kanilang edukasyon.

Pilit nilang gagapangin ang pag-aaral ng kanilang mga anak hindi alintana ang mga gastusin na kailangan nilang bayaran lalo na sa pagdating ng pagbabayad ng tuition fees at iba pang mga gastusin gaya ng school supplies, uniforms, requirements, at daily allowance.

Kaya dahil na din sa hirap ng buhay ay maraming mga Pilipino ang nagdesisyon na kunin ang hamon na mag-abroad at magtrabaho bilang Overseas Filipino Worker.

Ito nga ang kailangan pagdaanan ng ina ni Hans Alcanzare na napag-alaman ng KAMI na 6 years old pa lang siya nang pumunta ang kanyang ina sa Hong Kong

Kaya sinugurado nila na hindi mapunta sa wala ang pagod, hirap, at sakripisyo ng kanilang ina.

At nang nakapagtapos na siya at ang anim pa niyang magkakapatid sa pag-aaral ay niregaluhan nila ang kanilang ina ng isang "graduation gift" para tanda na graduate na siya sa pagpapaaral sa kanila.

Binigyan nga nila ang kanilang ina ng all-expense paid trip ng isang taon para pasyalan ang labindalawang bansa gaya ng Abu Dhabi, Australia, Dubai, Indonesia, Japan, Macao, Malaysia, South Korea, Singapore, South Korea, Thailand, at Taiwan.

Noong June 12 ay binahagi ni Hans Alcanzare sa kanyang Facebook page ang trips at adventures ng kanyang ina sa labindalawang bansa bago bumalik sa Pilipinas.

Unang naispatan namin ang nasabing kwento sa 'Daily Pedia.'

Sa ibang bahagi, isa na namang social experiment ang ginawa ng grupo at nagtanongtanong ng mga ilang tricky questions sa mga Pinoy.

Panoorin sa babang video

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Sam Milby gives practical advice to men who cheat on their partners in real life

Sam Milby gives practical advice to men who cheat on their partners in real life

Sam Milby gives practical advice to men who cheat on their partners in real life
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel