Manny Pacquiao wala ng dapat patunayan sa boxing! Huling laban na si Lucas Matthysse?

Manny Pacquiao wala ng dapat patunayan sa boxing! Huling laban na si Lucas Matthysse?

- Sa Pilipino Star na artikulo na sinulat ni Lolit Solis ay binalita nito ang kanyang excitement sa nalalapit na laban nina Senator Manny Pacquiao at Argentinian boxer na si Luca Matthysse

- Ang nasabing laban ay pinamagatan na 'Fight of Champions' na gaganapin daw sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia, ayon naman sa ulat ng ABS-CBN Sports

- Napag-alaman ng KAMI na sa July 15 daw ito live na makikita o mapapanood sa telebisyon pero sambit ni Lolit na sana ay huling laban na ito ni Pacman dahil wala na siyang dapat patunayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa ulat pa ni Lolit Solis tungkol sa nalalapit na laban ni Manny Pacquiao ay sinariwa niya ang mga panahon na ganito.

Dahil paglaban ni Pacman ay talagang parang holiday sa bansa.

Lahat ng sambayanang Pilipino, ano man ang kulay o partido, ay nagsamasama para panoorin ang laban ng pambansang kamao.

Kaya naman walang trapik sa kalsada at walang kriminalidad na nangyayari dahil nasa bahay lang ang karamihan ng mga tao dahil pinapanood ang boxing fight ng people's champ.

Ayon din kay Lolit Solis ay manonood daw siya ng laban ng dalawa sa Malaysia para daw maihatid sa kanyang mga readers ang mga sidelight at mga sikat na mga personalidad na manonood at susuporta sa boxing champ.

At ihahatid din niya ang mga activities bago at pagkatapos daw ng sagupaan nito.

Pero biglang nag-iba ang tono ni Lolit Solis sa kanyang pagsusulat na wish pa rin nya daw na sana ay last fight na daw ito ni Manny Pacquiao dahil wala na daw dapat patunayang ang people's champ.

Ito rin ang mga haka-haka at gusto sanang mangyari ng ibang mga tagahanga ni Pacman pero si Pacquiao lang ang makakadesisyon nito.

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko.

Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao.

Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang.

Binuhusan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo.

Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

POPULAR: Read more news about Manny Pacquiao here

Sa ibang bahagi, isa na namang social experiment ang ginawa ng grupo at nagtanongtanong ng mga ilang tricky questions sa mga Pinoy.

Panoorin sa babang video

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel