Talaga palang walang forever at nagawa ito ng babaeng ito matapos siyang tulungan

Talaga palang walang forever at nagawa ito ng babaeng ito matapos siyang tulungan

- Humingi ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo si Kimberly Antonio para sa kanyang paralisadong asawa at 2 anak

- Tinulungan at binigyan ng pera pambili ng mga gamot at pang negosyong gulayan ang pamilya

- Ilang buwan pa lang ang nakalipas at nabalitaang iniwan din nito ang kanyang asawa at ipinalit sa pinsan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Lumapit si Kimberly Antonio sa programa ni Raffy Tulfo noong Mayo 22, 2018 upang humingi ng tulong sa kanyang live-in partner na si Ryan. Ang kanyang partner ay naparalisa at iniwan ang kanilang 2 anak sa kanyang pag-aalaga. Maraming netizens ang nahabag sa kanyang kuwento kaya naman agad itong tinulungan ng team ni Raffy Tulfo.

Bilang pagtulong sa kanilang pamilya ay binigyan sila ng pambili para sa mga gamot ni Ryan. Nagbigay din ang kanilang programa ng pera para masimulan ang negosyong gulayan. Makikita pa sa video ang pagbisita ni Raffy upang sila ay personal na matulungan.

Kita ang saya sa mga ngiti ni Ryan sa malaking pagtulong sa kanila ng programa.

Ngunit, ilang buwan pa lang ang nakalilipas ay bumalik ulit ito sa programa ni Raffy kung saan siya naman ang inirereklamo ng kapatid ni Ryan na si Manilyn.

Hindi inaasahan na magagawa ni Kimberly na iwanan ang kanyang paralisadong asawa kasama ang kanyang 2 anak.

Hindi halos matanggap ng kanyang hipag na kaya niya itong gawin sa kanyang kapatid. Mas masaklap pa nang ipagpalit niya si Ryan sa pinsan nito na si Franklin.

Ganun na lang ang buhos ng galit ng mga netizens sa kanya. Ang mga kumento na ito ay hango sa Raffy Tulfo in Action.

"Ang sakit naman ng ginawa mo? Di mo ba nakikita ang sitwasyon ng asawa mo? Karma ang aabutin mo nyan! Sir Raffy God bless you po!"

"At least wala nang patumpik-tumpik si babae. Deretsahan na niya sinabi. Yun nga lang sinayang mo tulong sayo."

"Di man lang nahiya o nagsorry kay sir Raffy. Siya na nga tinulungan siya pa mataas ang pride hahahaha tao nga talaga"

"Mayabang yung babae kasi madami siyang lalaki sa buhay. Dapat maborn again yang babae na yan. Kawawa naman siya, lugmuk sa kasamaan sa buhay"

Ang Raffy Tulfo in Action ay isang programa sa TV na may layuning matulungan ang mga Pilipinong naaapi na ang karaniwan ay mga mahihirap. Si Raffy Tulfo ang mismong host ng programa na kilala bilang diretsa magtanong at mangaral sa mga nang-aapi. Madami na ang natulungan ng programa na kinikilalang sumbungan ng bayan.

Today our “victims” are people of Kavala. It is they who will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. A little spoiler: some questions are about famous Italians! So… What about you? Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Will you be able to give the correct answers to all tricky questions from this episode?Click “Play” to find out! - on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel