Huwarang pulis! Pinuri ang isang pulis dahil sa pagsasauli ng perang nakita sa ATM
- Napuno nga ng papuri ngayon ang isang pulisa sa Davao City dahil sa kanyang huwaran na ginawa
- Ayon sa balita ng ABS-CBN News, nakakita daw ang nasabing pulis ng pera sa isang ATM nitong Linggo ng gabi lang
- Dahil sa honesty ng police ay gagawaran siya sa kanyang katapatan at ngayon ay kilala na siya ng buong bansa bilang isang matapat na pulis
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nalaman ng KAMI na ang huwarang pulis na ito ay si PO1 Clark Brifanyl Saraum ng Davao City Police Office.
Ang nasabing pulis ay nakadestino umano sa Sasa Police, at ayon sa kanyang kwento, magwi-withdraw daw sana siya ng pera ng makita niya ang 20,000 pesos na nakalabas sa ATM sa may C.M. Recto St.
Dahil sa nasaksihan ay agad naman na pinaalam niya sa security guard ng nasabing bangko kung saan siya nagwithdraw at inireport din niya sa San Pedro Police Station.
Saad pa ng huwarang pulis ay baka hindi daw nakaantay ang may-ari ng naturang pera dahil sa pag-aakala na offline ang ATM.
Dagdag pa sa balita, ang pera ay hawak na ng bangko.
Umaasa naman si PO1 Clark Brifanyl Saraum na masauli ito sa tunay na may-ari.
Ito talaga ay nakaka good vibes na balita dahil kahit sino pulis man o hindi ay pwedeng angkinin ang pera dahil wala namang nakakita pero pinili ng huwarang pulis ang tunay na magandang halimbawa na dapat namang paresan.
Bago pa man ang nakatakdang parangal ay binuhos na ito ng papuri sa Facebook.
"good job met.. masigasig!"
"Galing mo sir I salute you."
" Medal agad"
"lodi petmalu"
"good job ser"
Sa ibang bahagi, isa na namang social experiment ang ginawa ng grupo at nagtanongtanong ng mga ilang tricky questions sa mga Pinoy.
Panoorin sa babang video
Watch more HumanMeter YouTube videos here
Source: KAMI.com.gh