OFW sa Japan naloko daw ng kanyang nobyo sa loob ng anim na taon

OFW sa Japan naloko daw ng kanyang nobyo sa loob ng anim na taon

- Isang former OFW na nasa Japan ay nagreklamo kay Raffy Tulfo kamakailang lang dahil daw ang kanyang ex-boyfriend ay diumano'y tinakbo ang 150,000 pesos na pera na pinadala sa kanya

- Tila tumibay ang akusasyon ng nasabing babae dahil ang kapatid na lalaki ng kanyang ex ay napanayam din sa naturang episode at normal na daw ito na gawin ng kapatid nya

- Pero mabuti na lang din na nagsumbong si Cynthia Udagawa sa 'Raffy Tulfo in Action' dahil nagpadala na daw ng bayad sa pera ang ex niya na si Joseph Go.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa naturang episode sa show ni Raffy Tulfo, si Joseph Go daw ay ex ng nasabing OFW sa Japan na si Cynthia Udagawa.

Una naming naispatan ang nasabing kwento sa 'Daily Pedia.'

Nagsumbong ang ginang tungkol sa panloloko daw ng kanyang dating boyfriend.

Ayon sa kanya, madalas daw nyang pinapahawakan ang kanyang pera, at kusang-loob na nagbibigay ng allowance sa kanya.

Nalaman din ng KAMI na dahil residente na nga siya daw sa Japan ay plano na sana niyang pakasalan ang dating boyfriend at dalhin din sa Japan.

Pero hindi na yata matutuloy pa ito dahil ayon na rin sa kanya na nang nagpadala daw siya ng 150,000 pesos sa lalaki para hawakan ang kanyang mga properties sa Pilipinas, blinocked umano siya sa Facebook at tinigil ang anumang komunikasyon sa kanya.

Ang mga akusasyon ay pinagtibay ng ang kapatid na si John Go ay nagsalita at kinumpirma ang masamang gawain ng kapatid.

Ayon pa sa kanya, wala daw trabaho siya at may anak siya na lalaki kaya daw siguro ito nagagawa niya.

Dagdag pa nito, na nakapanloko daw ang kanyang kapatid ng sampung babae na.

Mabuti na lang at nagbayad na ang lalaki, ayon na din sa update ni Cynthia.

Sa ibang bahagi, isa na namang social experiment ang ginawa ng grupo at nagtanongtanong ng mga ilang tricky questions sa mga Pinoy.

Panoorin sa babang video

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel