Netizens, namangha kay Aubrey Miles sa patuloy na pagwoworkout sa kabila ng pagbubuntis

Netizens, namangha kay Aubrey Miles sa patuloy na pagwoworkout sa kabila ng pagbubuntis

- Tuloy pa rin daw ang workout routine ni Aubrey Miles kahit pa siya ay nagdadalang tao

- Nasa pangalawang semester na ng pagbubuntis ang aktres nang inanunsyo nila ng kanyang asawa na si Troy Montero ang kanilang pagbubuntis

- Imbis na mag-alala, namangha ang mga netizens lalo na ang followers ni Aubrey sa instagram dahil sa patuloy niyang pagwo-workout

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buntis man daw siya o hindi, hindi na mawawala sa sistema ni Aubrey Miles ang workout.

Nalaman ng KAMI na nasa ika-4 na buwan na si Aubrey sa pagdadalang tao niya ng ikatlng anak niya.

Ayon sa 40 taong gulang na aktres, bagaman at nakararamdam siya ng morning sickness at mood swings, walang makapipigil sa kanyang workout routine, marahil magiging maingat lang siya ngayon na siya ay buntis.

Sa kanyang instagram, nagbahagi si Aubrey ng ilang videos ng kanyang routine. Ngunit ngayon, makikitang di na siya naka-body fir o naka- sports bra.

Samantala, ayon sa AmericanPregnancy.org, ligtas naman daw ang pag-e-ehersisyo kahit pa ikaw ay buntis.

Dahil sa pag-eehersisyo, makakaiwas ang buntis sa pananakit ng likod, constipation, pakiramdam na laging busog, at makakatulong din ito na mapadali ang pagle-labor.

Hunyo 30 nang inanunsyo nina Aubrey ang kanyang pagdadalang tao sa papamagitan ng isang instagram post.

Narito ang ilan sa mga komento ng kanyang followers na namangha sa kanyang ginagawang workout.

"Such an inspiration sis , Congratulations!"

"Ok langg po ba yung routine na ginagawa nyo for preggy? Baka merong routine na di need lift ng weights. Yung mga advisable lang na routine na for preggy po. Be extra careful po. Take care always"

"wow! i will do this workout if i get pregnant soon sana makaya ko din. happy workout for a healthier you and the baby!"

"may muscles agad si baby paglabas. Keep safe and stay healthy po Miss A.."

"Grabe kahit buntis ang motivation level mo po Grabe talaga to the highest level. Be careful po. You don’t wanna harm the baby. Dapat yoga or Pilates lang ang workout mo ms. Audrey. Grabe intense. Idol ko po kayo, such a hard working Mum."

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The MONA LISA? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, hindi mapigilan magreact sa panukalang baguhin ang huling linya ng Lupang Hinirang

Netizens, hindi mapigilan magreact sa panukalang baguhin ang huling linya ng Lupang Hinirang

Netizens, hindi mapigilan magreact sa panukalang baguhin ang huling linya ng Lupang Hinirang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel