Patricia Javier, binunyag ang tunay na salarin matapos mabiktima ng 'Basag-Kotse Gang'

Patricia Javier, binunyag ang tunay na salarin matapos mabiktima ng 'Basag-Kotse Gang'

- Matapos mabiktima ni Patricia Javier ng Basag-Kotse Gang kamakailan ay merong panawagan ang aktres

- Binunyag din niya ang kanyang saloobin tungkol sa tunay na salarin sa nangyari

- Pinaliwanag din niya kung bakit iniwan niya ang kanyang bag sa kotse

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tatlong araw na ang nakalipas mula ng mabiktima si Patricia Javier ng Basag-Kotse Gang sa may Masinag, Antipolo.

Nalaman ng KAMI na isa lang ang tinuturong salarin ng aktres sa pangyayari. Siya ay nanakawan ng alahas, pera, wallet, bag na may laman na mga ATM at credit cards.

Ayon sa panayam niya sa PEP, matinding kahirapan at gutom ang utak sa naging pagnanakaw sa kanya. Naniniwala siya na kung matutulungan ang maraming Pilipino na mabigyan ng maayos na trabaho ay wala ng makakaisip na magnakaw pa sa kanilang kapwa.

"I believe na maraming tao ang talagang nagugutom tulad ng mga tao na gumawa ng krimen na ito sa akin, harap-harapan na walang takot magnakaw.

"Sana po, mabigyan pa ng chance na matulungan natin na magkaroon ng mabuting trabaho ang ating mga kapwa Pilipino para hindi po sila nakakagawa ng mali.

"Kaya nananawagan ako to my fellowmen to share your blessings, give more care and love to each other.

"Our government cannot do all these things, we need to help each other to grow so we can have a better country. Now I’m not sad because I lost my valuable things, I’m sad kung hindi po tayo magtutulungan, walang mangyayaring mabuti sa ating bayan.

"Let’s build our nation with love and compassion for one another."

Nagpaliwanag din ang aktres kung bakit iniwan niya ang bag at mahahalagang gamit sa kanyang kotse.

"Nasa harap po ako ng car ko na lima hanggang walong hakbang lang papunta sa table kung saan ako nakaupo sa restaurant. Umupo ako mismo sa bintana na may glass para nakikita ko talaga ang car ko. Iniwan ko ang bag ko, nagdala lang ako ng cash para pambayad sa kakainin namin.

"Dahil po sa pag-iisip ko na mas safe doon at dahil nakikita ko naman na malapit sa kinauupuan ko. Kung sa malayo po ako nag-park, I will bring it with me."

Watch the video below:

Si Patricia Javier ay ikinasal kay Dr. Rob Walcher, isang kilalang chiropractor sa bansa, noong December 27, 2005 sa San Diego. Sila ay may dalawang anak, sina Rob at Ryan James.

Una silang nagkakilala noong taong 2003, nang magpunta si Patricia sa U.S. para sa kanyang mga shows doon.

This Philippines public prank will leave you laughing in tears! Today, we are going to take selfies with random people in the mall and observe their reactions. Are you ready to have a good laugh? Would you be able to take a selfie with a random person? Some of the strangers from the Philippines were happy to be in the photo while others were confused and surprised. How would you react? Click “Play” and watch these funny reactions right now!

Selfie With Strangers Challenge: The Funniest Reactions Ever - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Christian Bautista marries non-showbiz girlfriend Kat Ramnani

Christian Bautista marries non-showbiz girlfriend Kat Ramnani

Christian Bautista marries non-showbiz girlfriend Kat Ramnani
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel