Pinay single mom, naging milyonarya dahil lang sa peanut butter

Pinay single mom, naging milyonarya dahil lang sa peanut butter

- Binahagi ni Delia Santos ang kanyang pinagdaanan sa pagpapatakbo ng kanyang peanut butter business

- Hiwalay man sa asawa, mag-isang pinagsumikapan ni Delia ang kanyang negosyo dahil sa motibo niyang mabigyan ng magandang buhay ang mga anak

- Ngayon, umaabot na raw sa 5 million pesos ang kinikita niya kada buwan sa kanyang peanut butter business.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing 'wonder nanay' talaga si Delia Santos dahil sa kahanga-hanga niyang diskarte sa buhay.

Nalaman ng KAMI na bagaman at hiwalay sa asawa, di ito naging hadlang para maabot ni Delia ang dati lamang na pinapangarap na tagumpay.

Mula sa pagtitinda ng mga candy, nakaipon si Delia ng ₱10,000. Ito ang nagsilbing puhunan ni Delia para simulan ang isang convenience store. Nakatutuwang sa loob lamang ng 10 buwan, tumubo na agad ito at naging ₱60,000.

Pinay single mom, naging milyonarya dahil lang sa peanut butter

source: supplied

Nagsimula naman si Delia sa paggawa ng peanut butter ng isa sa kanyang mga suki ay binentahan siya ng grinder o panggiling at 5 sako ng mani. Doon gumawa siya ng sarili niyang recipe ng peanut butter at ibinenta din sa iba pang mga tindahan.

Sa kabutihang palad, nagustuhan ng mga suki ng tindahan ang recipe niya ng peanut butter kaya naman pinagpatuloy niya ang paggawa.

Pinay single mom, naging milyonarya dahil lang sa peanut butter

source: supplied

Mula noon, di na napigilan ang pag-usbong ng negosyo ni Delia hanggang sa di na niya namamalayan na kumikita na pala siya ng umaabot sa 5 milyon kada buwan.

Ayon kay Delia, di na niya dinibdib ang sinapit ng kanyang relasyon sa asawa. Mas pinagtuunan na lamang niya ang negosyo para mabigyan ng maganda at maginhawang buhay ang kanyang mga anak.

Pinay single mom, naging milyonarya dahil lang sa peanut butter

source: supplied

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The MONA LISA? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon

Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon

Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel