Andi Eigenmann may inamin kung bakit ayaw na niyang maging bida sa pelikula

Andi Eigenmann may inamin kung bakit ayaw na niyang maging bida sa pelikula

- Naging totoo si Andi Eigenmann sa mga pahayag niya bilang artista

- Ayaw na raw maging bida ni Andi Eigenmann sa mga pelikula

- Hindi na raw niya kasi nakikitang masyado ang kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pagkatapos ng isang mahabang hiatus sa paggawa ng teleserye at pelikula, may inamin ngayon si Andi tungkol sa kanyang mga sariling paniniwala sa pagiging "bida."

Nalaman ng KAMI na gumagawa ngayon si Andi ng pelikulang "Maid in London," kung saan kasama niya sina Matt Evans at Polo Ravales.

Dito si Andi ang bida pero nabigla naman ang marami nang ni-reveal niya kung bakit parang ayaw na niya ngayong tumanggap ng bida roles.

Ayon sa PEP, nahihirapan si Andi sa pagshoot araw-araw dahil hindi na niya nakikita ang anak niya.

"Siyempre, gusto ko po. Pero ang hirap lang po kasi sa akin ay yung araw-araw, tapos, hindi ko na nakikita yung anak ko.

“So, siguro, in short, parang ayoko nang maging bida! Hahaha!

"Parang baligtad. Yun lang yung ayokong part.

“Game naman akong magtrabaho, e, pero ‘pag bida kasi, ikaw lahat, e, at ikaw pa yung nagkakamali ‘pag… alam mo ‘yun?" pahayag ni Andi.

Matatandaang binenta ni Andi ang mga mamahalin niyang gamit kapalit ng isang simpleng pamumuhay.

Ngayon puro sneakers, pants at rubber shoes na lang, kasama ang T-shirts at bathings suits niya.

Si Andi Eigenmann ay ang anak ni Jaclyn Jose at may anak sila ni Jake Ejercito.

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel