Saab Magalona, sumabog ang galit sa dating agency ng yaya ng kanyang anak

Saab Magalona, sumabog ang galit sa dating agency ng yaya ng kanyang anak

- Galit na galit talaga si Saab Magalona sa dating agency ng yaya ng kanyang anak

- Hindi siya nakapagtimpi at isiniwalat ang galit niya sa social media

- Umanit ito ng iba-ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-uumapaw ang galit ni Saab Magalona sa dating agency ng yaya ng kanyang anak.

Nalaman ng KAMI na dating OFW pala ang kanyang trusted yaya at ayon sa kanya, ayaw daw ibigay ang passport ng yaya niya ng dating agency nito dahil naka-hold ito sa kanila.

Sa post ng Fashion Pulis, ay naka-share ang screenshots ng mga tweet ni Saab kung saan inilabas niya ang galit sa agency na hindi naman niya pinangalanan.

Base pa sa post niya, bastos kausap ang agency kaya naman nanginginig daw siya sa galit. Ire-release lang daw ang passport ni yaya kung babayaran ang PHP3,350 na ginastos nila sa medical nito.

PHP60,000 daw ang loan ni yaya sa agency para sa placement fee at pinagbabayad ito ng PHP11,880 monthly for 10 months. Ayon kay Saab, tinutulungan niya si yaya mag-bayad nito.

Humihingi ng tulong si Saab kung kanino puwede ireklamo ang ganitong problema.

"Pancho’s yaya was a former OFW and today I asked her if she had a valid passport. She told me that her old agency was holding it and won’t release it unless she pays 5k for her medical exam. Called them to inquire and omg they were so rude!!! “Wag mo akong ine-english” levels!!

"I am shaking with anger and shock. They said kailangan daw bayaran yung medical exam na 3,350 (idk why nagbago yung amount??). They are such scammers. Any advice on what I should do? Pancho’s yaya is an angel and I can’t believe they took advantage.

"I am sure so many aspiring Overseas Filipino Workers are taken advantage of by a lot of agencies like this one!!!

"They made her loan 60k for a “placement fee” and they’re making her pay 11,880 monthly for 10 months. I can’t. We’ve been helping her with that loan cos wala na syang magagawa she signed a contract but now that I spoke to the agency, they are really awful people.

"*Pancho’s yaya IS a former OFW pala. Pasensya na sa error, gigil c ac0e. Pa-english-english pa kasi. Cheret"

Maraming netizens ang nag-react at nagbigay ng kani-kanyang payo kay Saab.

Read some of the comments from netizens below:

"Aba ang agency na ito walang pinagkaiba sa mga abusadong employers ng OFW na tinanatago ang passport."

"Infairness bait nya sa yaya nya. I hope she can help sue that agency. My gosh iba talaga mga tao ngayon"

"Well, my advice is just to pay up to lessen the headache from this. 3k na lang din naman. There's Nothing you can do about it. Unless you sue them Pero gagastos ka much much more than the 3k."

"Actually, no need to sue. They can repprt the agency to POEA. Agency yan eh, tatanggalan ng license ng POEA or isuspend nila yan."

"Grabe naman yung loan 60K pero ang bayad monthly 11K+ for 10 months. That's almost 120K. Double ng loaned amount!"

Kinasal sina Saab at Jim Bacarro noong January 24, 2015. Magkakilala na sila ng 10 taon bago sila nagpakasal. Isinapubliko ni Saab ang kanyang pagbubuntis noong September 2017 at ni-reveal ang gender ng kanyang twins.

Isa lang ang nag-survive sa twins ni Saab. Pumanaw ang kanyang baby girl na ibinahagi niya sa kanyang Instagram noong March 29.

This Philippines public prank will leave you laughing in tears! Today, we are going to take selfies with random people in the mall and observe their reactions. Are you ready to have a good laugh? Would you be able to take a selfie with a random person? Some of the strangers from the Philippines were happy to be in the photo while others were confused and surprised. How would you react? Click “Play” and watch these funny reactions right now!

Selfie With Strangers Challenge: The Funniest Reactions Ever - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Miss Universe finally releases decision on eligibility of transgender woman Angela Ponce of Spain

Miss Universe finally releases decision on eligibility of transgender woman Angela Ponce of Spain

Miss Universe finally releases decision on eligibility of transgender woman Angela Ponce of Spain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel