"You're road, you know" couple, Jenny Torres at Larry Passariello , kumusta na kaya?

"You're road, you know" couple, Jenny Torres at Larry Passariello , kumusta na kaya?

- Naging viral hit nga ang magkasintahan na sina Jenny Torres at Larry Passariello dahil sa isang video na nagtrending sa online world

- Kinalaunan ay napag-alaman na ito pala ay eksena sa isang reality TV show sa Amerika na ang titulo ay "90 Day Fiancé: Before the 90 Days" na pinalabas ng cable network na TLC

- Ilang linggo din naman ang lumipas ng makarinig tayo tungkol kina Jenny at Larry kaya naman kamakailan lang ay kinumusta ang dalawa ni Jessica Soho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging -usap-usapan nga sina Jenny Torres at si Larry Passariello sa online world at sa buong bansa lalo na sa mga social media sites.

Dahil dito ay naging instant online favorite si Jenny na taga Urdaneta, Pangasinan pagkatapos mashare ang video na kung saan sinasabi niya, "You're road," imbis na "You're rude" sa kanyang Amerikanong boyfriend.

Sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" ng GMA-7 ay inungkat ng show kung saan nanggaling ang video, paano iyon nabuo, at kung bakit nasabi iyon ni Jenny.

Dito nalaman ng KAMI na ito ay dahil sa pag-ayaw ni Larry na kumain ng lechon na isa sa pinakasikat na pagkain ng mga Pinoy.

Ayon pa sa kwento ni Jenny, sa pagdating at pagbisita ni Larry sa Pilipinas ay naging mabait at maasikaso na handaan ang huli ng bonggang bongga.

Ngunit hindi nagustuhan ng Amerikano ang lasa ng lechon kaya nadismaya daw ang pamilya ni Jenny pati na rin ang dalaga.

Kaya daw nakapagbitiw si Jenny ng nagviral na parirala ang "You're so road" na talaga namang umagaw ng atensyon ng maraming tao at Pilipino.

Unang lumabas ang istoryang ito sa 'News Sentinel' site.

Sa nasabing panayam ay ikinwento ng dalawa ang kanilang pag-iibigan.

Ang litrato sa taas ang pinakahuling litrato na shinare ni Larry Passariello sa kanyang Instagram page at shinare din niya ito sa kanyang Facebook account.

April 2 naman sa taong ito ay ginawang profile picture ni Jenny Torres ang 'InShot' video na ito sa taas.

Tingnan ang buong panayam kina Jenny Torres at Larry Passariello sa "Kapuso Mo, Jessica Soho: Ang road to forever ni Jenny" episode sa babang video.

Sa ibang bahagi, isa na namang social experiment ang ginawa ng grupo at nagtanongtanong ng mga ilang tricky questions sa mga Pinoy.

Panoorin sa babang video

Watch more HumanMeter YouTube videos her

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story

5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story

5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel