Humble pa rin! Danica Sotto-Pingris, inamin na mas gusto pa din ang payak na pamumuhay kahit anak mayaman

Humble pa rin! Danica Sotto-Pingris, inamin na mas gusto pa din ang payak na pamumuhay kahit anak mayaman

- Hindi magastos si Danica Sotto-Pingris pagdating sa gamit gaya ng bag at sapatos

- Masaya na ang aktres sa hindi mamahaling gamit

- Mas gusto ni Danica ang maging praktikal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inamin ng aktres na si Danica Pingris na hindi siya maluho pagdating sa gamit lalo na sa mga bag at sapatos. Kahit anak siya nina Vic Sotto at Dina Bonnevie na parehong bigating artista, mas gusto pa din ni Danica na mamuhay ng payak na malayo sa kinagisnan ng mga taong nasa showbiz. Nakikita ang aktres na bumibili ng mga gamit sa mall lamang na parang ordinaryong tao.

Simula noong ikinasal si Danica sa kanyang asawa na si Marc Pingris, mas pinipili niyang bumili ng mga komportableng damit kaysa sa mga mahahaling bagay. Ani niya, mas gusto niyang nakakagalaw siya ng mabuti dahil hinahatid at sinusundo niya ang kanyang mga anak sa eskwelahan kahit may driver sila.

Ibinahagi din ng aktres na wala pa siyang nabibili na mamahaling bag nang siya ay nag-asawa. Mas ginagamit niya ang mga rineregalo sa kanya. Dagdag pa niya, ang pinakamahal na bag na meron siya ngayon ay ang isang Celine bag na galing sa kanyang tatay na si Vic Sotto.

Ayon pa kay Danica, hindi siya basta-basta lang bumibili ng gamit at hindi rin kuripot. Mas pinipili lang niyang maging praktikal.

Si Danica Sotto-Pingris ay isang aktres at TV host na anak ninaVic Sotto at Dina Bonnevie. Napanood na rin sa ibang palabas sa telebisyon. Napangasawa siya ng sikat na basketbolista na si Marc Pingris.

Gusto mo bang makamit ang inner thigh na nais mo? Panoorin mo ang Inner Thigh Gap Exercises: Achieve The Inner Thigh Gap Of Your Dreams upang malaman kung paano magkaroon ng magandang inner thigh. Maging una pagdating sa mga bagong balita, viral at nakakatuwang istorya at videos dito lang sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Proud mama Isabelle Daza finally introduces her super cute son to the world!

Proud mama Isabelle Daza finally introduces her super cute son to the world!

Proud mama Isabelle Daza finally introduces her super cute son to the world!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel