Natakot daw ang mga Austrilyano sa kanilang kaligtasan pagkatapos ng sigalot

Natakot daw ang mga Austrilyano sa kanilang kaligtasan pagkatapos ng sigalot

- Ayon nga sa balita ng 'Manila Bulletin,' natatakot daw ang mga Austrilyano sa kanilang kaligtasan o seguridad pagkatapos ng sigalot o gulo sa pagitan ng Gilas Pilipinas at koponan nila

- Humingi daw ng saklolo ang "bruised and battered," ayon sa paglalarawan na ibinigay, ang team ng mga Austrilyano dahil natatakot daw sila sa kanilang seguridad, ang saad sa balita

- Naghanap daw ng tulong sa gobyerno ang mga manlalaro ng Austrlia para lang makalabas sa basketball court sa Philippine Arena pagkatapos ng gulo, ayon sa CEO ng Basketball Australia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa nangunguna sa balita, ang governing body daw ng FIBA ay naglunsad ng pagsusuri pagkatapos ang kaguluhan noong Lunes, July 2 para sa World Cup qualifying match sa nasabing pagsasamahan.

Pero naloka na lang ang lahat na ang larong basketball ay naging action-packed na palitan ng flying kicks at suntok sa kabilang panig.

Napag-alaman ng KAMI na labintatlo daw na manlalaro ang inalis pagkatapos ng suntukan.

Sa mga lumabas na mga footages, makikita na isang fan ang sumuntok sa isa sa mga Austrilyanong manlalaro at isang tagahanga naman ang nagtapon ng upuan sa bisitang manlalaro.

Sa isang news conference, sinabi ng chief executive ng Basketball Australia na si Anthony Moore:

“We had our players and team management and our coaches in fear of their physical safety."

Ang kinatatakutan nila ay kung makakalabas ba sila sa arena na hindi nasasaktan.

"Are we going to be able to get out of here unscathed?”

Dagdag pa ni Moore na ang tanggap daw nilang mga Austrilyanong ang kanilang responsibilidad sa papel nila sa nanyaring kaguluhan at naghihintay lang din daw sila sa resulta ng pagsisiyasat o pagsusuri at parusa galing sa sport's governing body ng FIBA.

Ang hindi daw nila matanggap na pati ang mga fans at opisyales ay sumali sa kaguluhan.

“What we don’t accept is the action whereby fans and officials actually get involved in the fray."

Humingi daw sila ng tulong sa embassy ng Australia sa bansa para lang daw makalabas sa bus at makapasok sa hotel ang kanilang koponan.

Ani niya:

“Physically our players are fine, they’re, you know, bruised and battered."

Sa pagpapatuloy ng paliwanag niya:

“Our athletes and coaches actually stayed on the court for a considerable amount of time, (it was) the safest place for our players and our coaches."

At sinabi na ang koponan nila ay lilipad na paalis ng Manila sa Martes.

Sa ibang bahagi, Isang social experiment ang ginagawa kung saan pinapakita kung ano ang mga reaksyon ng ating mga kababayan sa isang gay couple na pinapakita ang kanilang love sa public.

Watch more HumanMeter YouTube videso here

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story

5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story

5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel