Ay, nadulas ako! Maging alisto sa bagong modus ng mga kawatan

Ay, nadulas ako! Maging alisto sa bagong modus ng mga kawatan

- Sa hirap ng buhay ngayon ay dapat doble ingat tayo sa ating mga pinaghirapan kaya maging alerto kung nasa publiko ka na lugar

- Isang babae ang nanakawan ng kanyang bag sa isang kainan sa isang mall sa Quezon City

- Ang modus ng mga kawatan ay kunwari nadulas ang babae sa harapan mo pero sa likuran ay ang lalaking kasamahan na dali-daling kukunin ang bag mo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa 'YouScoop' ng GMA News Facebook page ay ibinihagi nila ang nakakalungkot, nakakadismaya, at nakakainis na nangyari sa isang babae sa isang kainan ng mall sa Quezon City dahil nasalisihan lang naman siya ng mga kawatan.

Kamakailan lang ay nambiktima ang 'Ipit Gang' at biktima nga rito ang Kapuso host Lyn Ching-Pascual at isa government undersecretary, ngayon naman mayroong bagong modus ang mga halang ang kaluluwa na mga kawatan.

Napag-alaman ng KAMI ang nasabing bagong modus operandi ng mga kawatan at ito nga ay "Kunwari nadulas" modus.

Sa CCT video na binahagi ng news outlet, makikita na isang babae na naka blue ng damit at blue tight jeans ang nasa kainan at tila busy sa kanyang cellphone.

Makikita naman sa unahan ang babaeng naka pink ang polo shirt at may bitbit na black na bag tila kinakausap ang lalaki sa likuran.

Pagkatapos ay lumalakad ang nasabing babae sa tabi ng mesa ng biktima, kakapit sa bangko, at magkukunwari na nadulas pero ang lalaki ay nakaposisyon na sa likuran o gilid ng babae kung saan nakalagay ang kanyang bag.

Dahil nga nadulas ang nakapink na babae ay naagaw ang antesyon ng biktima kung saan din ang bilis ng kasamahang lalaki na kinuha ang bag niya.

Paglingin ng babae ay nawala na ang bag niya.

Nakakagulat ang bilis ng lalak na kumuha ng bag.

Ang mga netizens ay nakapansin din na ang babaeng nakastripe sa unang table ang tila nagbibigay signal sa kanyang dalawang kasamahan.

Ayon umano sa kaibigan ng bikitma, ito daw ay nangyari noong Mayo ngayong taon at aabot daw sa 100,000 pesos ang halaga ng mga nawalang gamit na nasa loob ng bag ng babae.

Napablotter naman daw nila ito at dahil nga sa nangyari ay ibinihagi nila ang videong ito para magbigay babala sa iba pang bibiktimahin ng mga "kunwari nadulas" gang na ito.

Kaya dapat ay mag-ingat at palaging alerto o alisto lalo na pag nasa publiko ka na lugar na maraming tao at may bitbit ka na mahahalaga o mamahaling mga gamit.

Sa ibang dako, isang social experiment ang ginagawa kung saan pinapakita kung ano ang mga reaksyon ng ating mga kababayan sa isang gay couple na pinapakita ang kanilang love sa public.

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin