Japeth Aguilar humingi ng paumanhin sa mga Pinoy, basketball fans, at sa Australian team

Japeth Aguilar humingi ng paumanhin sa mga Pinoy, basketball fans, at sa Australian team

- Sa isang Twitter post ni Japeth Aguilar na nagtrending agad at shinare at rinitweet ng ilang ulit ng mga netizens ay ibinihagi niya ang kanyang saloobin sa gulo na nangyari

- Humingi din siya ng paumanhin sa lahat ng mga Pilipino, mga basketball fans, at sa koponan at supporters ng Australia

- Ayon pa sa kanya, mas binigyan nila ng pansin ang kanilang puso at pinairal nila ang kanilang mga emosyon imbis na ang kanilang wastong pag-iisip

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila tatatak na sa history ng basketball sa FIBA at sa buong mundo ang hindi kanais-nais na kaguluhan sa pagitan ng Gilas Pilipinas at koponan ng Australia kahapon, July 2, Lunes.

Nagulantang, nawindang, at hindi magkamayaw ang mga manonood at ang nasa loob mismo ng Philippine Arena sa kanilang napanood at nakita.

Humakot ng maraming batikos ang koponan ng Pilipinas sa mga kapwa Pinoy, sa mga basketball enthusiasts at sa mga Australiyano.

Pagkatapos ng unos at bagsik ng damdamin ay nagbigay ng statement ang isa sa mga Gilas na si Japeth Aguilar.

Ibinihagi niya ang kanyang saloobin at ipinihatid ang paumanhin sa isang Twitter post na nagviral na ngayon at nashare na nga sa Facebook page ng Rappler.

Sa nasabing tweet ay nabasa ng KAMI na pinaliwanag ni Japeth na ang nangyari daw ay pwede sanang maiwasan.

Pero nagpadala daw sila sa kanilang mga emosyon na ipaglaban ang kanilang ka teammate kaya nangyari ang nasabing gulo.

Dahil dito ay inamin ni Japeth ang kanilang pagkakamali at sinabi pa na wala daw excuse ang kanilang ginawang kaguluhan.

At tinapos niya ang post sa paghingi ng paumanhin.

At sa iba pang mga kontrobersiya, isang social experiment ang ginagawa kung saan pinapakita kung ano ang mga reaksyon ng ating mga kababayan sa isang gay couple na pinapakita ang kanilang love sa public.

Watch more HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel