Honor student ng elementary at high school, umani ng matinding papuri kahit muntik na niyang di matapos ang kolehiyo

Honor student ng elementary at high school, umani ng matinding papuri kahit muntik na niyang di matapos ang kolehiyo

- Dating honor student noong elementary at high school si Hannah Guijaro Malana

- Nag-viral ang post niya patungkol sa kalbaryo na kanyang pinagdaanan nang siya ay tumungtong na sa kolehiyo

- 'Not a quitter' daw si Hannah kaya naman buong tapang parin niyang hinarap ang buhay kolehiyo sa UP kahit pa di siya nagtapos sa tamang oras

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Consistent honor student talaga si Hannah Guijaro Malana na ngayon ay nagtapos na sa University of the Philippines sa kursong BS in Fisheries.

Nalaman ng KAMI na sa kabila ng pagiging 'matalino' at 'risk taker' ni Hannah, dumating pa rin sa punto na nawalan siya ng loob at kumpiyansa sa sarili.

Kinuwento ni Hannah ang kanyang dinanas bago niya tuluyang mai-suot ang 'sablay' ng kanilang unibersidad.

UPCAT pa lang laking tuwa na niya na siya ay nakapasa ngunit di pala niya alam ang mga bagay na kaakibat nang pagpasok sa prestihiyosong unibersidad ng ating bansa.

Dahil sa matinding kumpiyansa sa sarili, taas noo parin niyang pinasok ang kolehiyo. Alam niya sa sarili niya na para kasi ito sa mga mag-aaral na tulad niya, magaling, maabilidad at matalino.

Ngunit sa bawat taon ng kanyang pag-aaral dito, unti unting nawawala ang kinang ng tiwala sa isang mahusay na Hannah.

Hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng loob at handa nang isuko ang pag-aaral.

“I told myself that 2017 would be my year but then, I was informed that I won’t be able to beat the deadline for my thesis. You know what’s hard aside from accepting the fact that I won’t wear my Sablay that time? It’s controlling my voice while I cry inside the shower room thinking how would I approach my Mama and how would I tell her about the bad news. It’s also covering myself with an extra pillow and hugging my stuffed toy Piba just so I won’t disturb my sleeping roommates. It’s really challenging for me to put myself back together and to stand strong against all odds,” kwento ni Hannah.

Naghahanda na nga raw siya ng tila nobela na paliwanag para sa ina dahil di na niya talaga kayang magtagal sa unibersidad ngunit bago pa man niya mai-send ito, nauna nang nagtext ang kanyang ina na nanatiling positibo at pinalakas pa rin ang loob niya.

Ani Hannah, buti na lamang daw at di niya naipadala ang mensahe. Napahagulhol na lamang siya. Mula noon ay nabuo na muli ang loob ni Hannah na tapusin ang kolehiyo.

Ngayong taon, nakapagtapos siya sa kursong BS Fisheries na di rin niya inaakalang kukunin niyang kurso sa kolehiyo.

Nag-viral ang post ni Hannah sa kanyang facebook account dahil na rin sa mga taong napabilib niya sa katatagan ng loob.

Some of the strangers from the Philippines were happy to be in the photo while others were confused and surprised. How would you react?

Selfie With Strangers Challenge: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, hindi mapigilan magreact sa panukalang baguhin ang huling linya ng Lupang Hinirang

Netizens, hindi mapigilan magreact sa panukalang baguhin ang huling linya ng Lupang Hinirang

Netizens, hindi mapigilan magreact sa panukalang baguhin ang huling linya ng Lupang Hinirang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel