19 taong gulang na batang ina, kukunin daw ninong ang lahat ng naging ex-boyfriend niya
- Binahagi ng isang 19 anyos na 'soon-to-be-mom' ang kanyang kalbaryo sa pagdadalang tao
- Nakapagtapos siya ngunit siya naman ay buntis kaya naman di agad nakahanap ng trabaho
- Muntik na niyang ipalaglag ang bata sa sinapupunan ngunit naisip na lamang niya na ipagpatuloy ito at kuning ninong ang mga ex niya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Di biro ang pinagdaanan ng isang dalagita na ito na di inaaasahang mbuntis ng kanyang nobyo.
Nalaman ng KAMI na isang working student ang dalagita na ito para matustusan noon ang mga gastos para sa kanyang thesis.
Sa kanyang pagtatrabaho nakilala niya ang ama ng kanyang anak.
Bagaman at nakapagtapos ng kolehiyo, di naman agad nakakuha ng trabaho si Jennela dahil siya ay nabuntis.
Sa sobrang tuliro niya at di na niya alam paano bubuhayin ang anak sa sinapupunan, naisipan pa niya itong ipalaglag.
Ngunit, sa tiwala niya sa tatag ng relasyon ng ama ng anak niya, pinagpatuloy pa rin niya ang pagbubuntis.
Nakakatuwang naisip pa ng batang ina na ito na kuning ninong ang lahat daw ng naging ex-boyfriend niya. Narito ang buong salaysay ni Jennela at ng kanyang tinuturing na masayang kalbaryo bilang batang ina.
Fourth year college na ako noong makilala ko siya, yung ex ko. Actually kilala ko naman talaga siya kasi neighbors kami. Nagkaroon lang ng spark. Asarang nauwi sa ibigan, ika nga! 18 ako noon. That time nag-aaral siya sa Quezon City, Mechanical Engineering tinetake niya. Mabait siya sobrang bait. Kahit LDR kami, gumagawa siya ng way para makausap ako oras-oras. Kapag wala siyang pasok, sure na uuwi yun. Dumadaan siya sa Apartment every time na pauwi siya. Ayoko pa kasing malaman ng iba. Feel ko kasi hindi kami bagay. Family niya kasi utangan namin. Halos three months ding siya ang naging mundo ko. Inspired ako parati. Paging masaya ng dahil sa kanya. Pero nagbago lahat. Nagtrabaho ako sa isang grocery store para matustusan thesis ko kasi walang wala talaga kami. Tapos natanggal pa scholarship ko sa school dahil lang sa pag-uwi ko ng maaga. Student assistant kasi ako noong college.
Lumandi ako! Tumingin ako sa ibang lalaki. Nadala ako ng emosyon ko. Nagfour months kami na doubtful na feelings ko kasi I started to like our one regular customer. Crush ko lang siya noon. Pero lumalim ng lumalim noong nagkaroon na kami ng communication. Inaamin ko na Mali yon. Nalilito na din ako. May part sakin na huwag Kong iwan kasi baka sa una lang to kasi malayo boyfriend ko. Baka nalilito lang ako kasi lagi Kong nakikita si customer siya hindi. Pero sabi ko. Hindi deserve ng boyfriend ko yun. Hindi niya ako deserve kaya nakipaghiwalay ako personally. Sinabi ko sa kanya lahat lahat at tanging nasabi lang niya sa kin is "Sundin mo kung anong nakakapagpasaya sayo".
Two months akong niligawan ni Dee (Customer) bago ko siya sinagot. Mabilis? Gusto ko siya at ayaw ko ng magpabebe pa. Ginawa niyang lahat para mapasaya ako.. Yung lahat ng efforts niya, pagmamahal niya sa pamilya niya. Yung mga sweet gestures niya ang nakakapagpalalim ng nararamdaman ko sa kanya. He even rented me a gown para sa isang occasion ng school namin kasi last na daw yon.
Wala din ang pamilya niya tulad namin. Siya din ang inaasahan sa kanila. Mama niya is katulong while his father naman ay tagaluto sa mga manggagawa.
Malapit na akong grumaduate nang malaman namin na buntis ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Cumlaude pa ako.that time kaya bagsak na bagsak ako. Lumayo ako sa mga kaibigan ko. Sinolo ko lahat ng lungkot at galit ko sa sarili ko. Naisip naming ipalaglag pero nagbago din isip namin kasi walang kasalanan ang bata. Tinanggap niya. Ako? That time pinipilit ko pa din ang sarili ko na tanggapin. Kasi madami pa akong gustong gawin. Gabi gabi akong umiiyak. Nakagraduate ako. Kitang kita ko kung gaano kaproud sa akin ang mga magulang ko. Nagiguilty ako. Nag-apply ako ng trabaho pero di rin tumagal because of my condition. Hanggang sa nahihirapan na ako. Lagi akong nanlalambot. Lahat ng kinakain ko sinusuka ko lang. Wala akong makapita kundi si Dee. Alam Kong nahihirapan siyang makita akong nahihirapan kaya naglakas loob siyang sabihin sa mga magulang ko. Nakarinig siya ng masasakit na salita na nakapagpaluha sa kanya. Madami din akong narinig like " wala kang kwenta, malandi ka, hayop ka " na nakapagpadown sa akin. Nawalan ako ng ganang mabuhay that time. Pero naisip ko. Matalino ako. Nakatapos ako. Madami pang chances. Makakabawi ako. Makakabawi ako sa pamilya ko.
Natanggap na din ako Nina Mama. Pero natatakot pa akong umuwi noon. Tumira na ako sa boyfriend ko para maasikaso niya ako. Nagtrabaho siya. Dumating sa time na ako na lang ang pinapakain niya kasi hindi kasya pera niya. Sinasabi niya lagi na busog siya na nakakakirot ng puso. Dumating din kami sa point na pareho na lang kaming nag-iiyakan kasi nahihirapan na kami. Kaya nagdecide kami na sasama na lang ako sa Pinsan ko kasi kinukuha ako ng tita ko. Doon na lang daw muna ako. Para hindi na mahirapan pa sina Mama.
Maglilimang buwan na ang tiyan ko. Maswerte pa din ako kasi nandyan ang pamilya ko, boyfriend ko pati na mga kaibigan ko para suportahan ako.
Kung dati diko pa to matanggap, ngayon tanggap ma tanggap kona. Excited na nga din akong lumabas ang baby girl ko.
Sa pamilya ko! Mahal na mahal ko kayo. Pagkatapos nito, giginhawa din tayo. Pangako! Sa Mama ko, ikaw ang gusto Kong gayahin. Magiging katulad mo ako.
Sa asawa ko! Mahal na mahal kita. Salamat sa lahat lahat. Proud ako sayo. Kaya natn to.
Sa mga kaibigan ko! Salamat sa suporta at encouragement. Ninang at ninong kayong lahat. Hahaha.
At sa mga katulad ko na maagang magkakaroon anak. BE HAPPY! Hindi pa huli sa atin ang lahat. Madami pang panahon para patunayan sa kanilang magiging successful at makakatulong din tayo sa pamilya natin. Maging proud ka kasi naging matapang ka! Maging proud ka kasi binuhay mo yan at hindi ka gumaya sa iba na pinapatay nila para iwas responsibilidad.
At sa mga kabataan! Huwag munang magmadali. Isipin muna bago gumawa ng desisyon. Enjoyin niyo muna ang lahat. Huwag munang gumaya sa akin na maagang kumire. Hahaha!
19 years old na pala ako ngayon. 21 Asawa ko.
PS. Sa mga Ex ko na hindi pa din makapaniwala. Ninong kayo! Hahaha
Some of the strangers from the Philippines were happy to be in the photo while others were confused and surprised. How would you react? Selfie With Strangers Challenge: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh