Nanindigan ang tatlong Senador sa Gilas Pilipinas sa gitna na mainit na engkwentro

Nanindigan ang tatlong Senador sa Gilas Pilipinas sa gitna na mainit na engkwentro

- Sa kabila ng pagkadismaya ng Malacañang sa nangyari sa laro ng Gilas Pilipinas laban sa Australia sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan noong July 2, Lunes ay may tatlong Senador ang nanindigan pa rin sa koponan

- Sina Senador Juan Edgardo Angara, Joseph Victor Ejercito, at Joel Villanueva ay nagsasabi na hindi daw pwedeng i-blame ang lahat sa Gilas ang nasabing gulo laban sa mga koponan ng Australia

- Ayon naman kay Senator Angara, isa daw "unfortunate" ang nasabing insidente pero saad at panindigan niya, "I stand by the Gilas team"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa mata ng mga nanonood sa telebisyon sa laro ng Gilas Pilipinas at Australia para sa 'FIBA World Cup Qualifier' na ginanap noong Lunes, July 2 sa Philippine Arena ay tila nakakagulantang ang mga turn of events.

Ngunit marami ang nagsasabi, behind the scenes, ang mga pangyayari na hindi nakikita sa camera, ayon na din sa ilang mga balita na napag-alaman ng KAMI.

Ayon naman kay Senator Juan Edgardo Angara, ang nasabing engkwentro daw ay hindi inaasahan pero ang ginawa daw ng koponan ng Pilipinas ay isang "universal human reaction" o natural na reaksyon lamang sa isang manlalaro na to look out for one's teammates.

Ang Senador ay ang chairman ng 'Samahang Basketbol ng Pilipinas,' ang national sport association ng basketball sa bansa.

Dagdag pa daw ni Senador Angara sa isang statement na inilabas niya ngayong araw, Martes, July 3:

“It was an unfortunate event but I stand by the Gilas team on this. One may criticize how the game ended, but the true test of a fan is to stick with his team win or lose, through thick and thin."

Sa pagpapatuloy na pahayag ng naturang Senador sinabi niya na ang gulo ay napigilan sana:

"if the referees had tightened officiating to better control the game."

Gayunpaman, sa tingin ni Angara dapat mapatawan ng mga parusa o sanctions ang mga manlalaro at hindi manlalaro na sumali sa suntukan.

Sa pagtatapos ng Senador, sinigurado niya sa international community of Filipinos ang hospitality ng mga Pinoy at ang away ay isa lamang "isolated event."

Ayon naman kay Senador Joel Villanueva, hindi daw pwedeng iblamed lahat ang pangyayari sa Gilas.

Nagtweet din ng kanyang opinyon si Senator Joseph Victor Ejercito tungkol sa nangyari at tinawag niya ang Australian player na si Daniel Kickert sa hindi kaaya-ayang aksyon nito sa court.

Bago pa man ang post ng Senador sa itaas ay may nauna na siyang paliwanag tungkol sa nangyari behind the camera.

Sa ibang dako, isang social experiment ang ginagawa kung saan pinapakita kung ano ang mga reaksyon ng ating mga kababayan sa isang gay couple na pinapakita ang kanilang love sa public.

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon

Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon

Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel