Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang lalawigan ng Batangas

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang lalawigan ng Batangas

- Kakapasok nga lang na balita mula sa Rappler, isang lindol na may magnitude na 5.2 ang tumama sa Batangas

- Ayon naman daw sa Phivolcs wala umanong mga damages na expected sa nasabing pagyanig

- Niyanig ang lungsod ng Nasugbu sa lalawigan ng Batangas kani-kanina lang, 12:25 p.m., July 3, Martes

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kaninang tanghalin ay niyanig ng lindol na may kalakhan na 5.2 ang Nasugbu, Batangas sa araw na ito, Martes, July 3.

Ayon sa balita na napag-alaman ng KAMI, inilagay daw ng 'Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang nasabing pagyanig sa magnitude 5.5 pero kalaunan daw ay binaba ng pamunuan sa 5.2.

Sa pagpapatuloy ng pahayag ng Phivolcs, walang pinsala naman daw ang inaasahan ngunit mayroong mga aftershocks na mangyayari resulta ng pagyanig.

Dagdag pa sa balita, ang nasabing pagyanig o lindol ay nadama sa mga sumusunod na lugar:

Intesity IV ay nadama ng Lubang at Abra de Ilog, Occidental Mindoro.

Samantala, ang Buco, Talisay, Tumaway, at Calatagan, Batangas; Quezon City; Mandaluyong City; Clark, Pampanga; Puerto Galera, Oriental Mindoro; Looc at Mamburao, Occidental Mindoro; Tanza at Maragondon, Cavite ay nakaranas ng intensity III.

Habang intensity II naman ang City of Manila, Parañaque City; Plaridel at Malolos, Bulacan.

Wala namang nabalitang nasaktan, nasugatan, o nasawi at walang mga sira sa establisyemento ang naibalita.

Breaking news! Magnitude 5.2 na lindol tumama sa Batangas

Credit: Rappler/Phivolcs

Sa ibang bahagi, isang social experiment ang ginagawa kung saan pinapakita kung ano ang mga reaksyon ng ating mga kababayan sa isang gay couple na pinapakita ang kanilang love sa public.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakatakot! Babae, iba raw ang 'anino' na nakunan sa larawan habang karga ang kanyang pamangkin

Nakakatakot! Babae, iba raw ang 'anino' na nakunan sa larawan habang karga ang kanyang pamangkin

Nakakatakot! Babae, iba raw ang 'anino' na nakunan sa larawan habang karga ang kanyang pamangkin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel