NAIA driver, di nagdalawang isip na magsauli ng pouch na may lamang mahigit ₱150,000

NAIA driver, di nagdalawang isip na magsauli ng pouch na may lamang mahigit ₱150,000

- Hinangaan ang NAIA driver na si Romnick Espiritu dahil sa pagiging matapat sa pagsasauli ng pera at gamit ng amerikana niyang naging pasahero

- Naibalik kay Belen Zoza Swegler ang pera niyang humigit kumulang ₱150,000, credit cards at mamahaling cellphone

- Si Romnick na rin ang nagdala pabalik sa Amerikanang pasahero sa destinasyon nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nadagdagan na naman ang listahan ng mga taong may malilinis na konsensya at mabubuting kalooban dahil sa ginawa ng isang NAIA driver na si Romnick Espiritu.

Nalaman ng KAMI na di nagdalawang isip ang driver na isauli ang nakita niyang pouch sa kanyang sasakyan na naiwan ng kanyang pasahero.

Pabalik na si Romnick na Terminal 2 ng NAIA nang mapansin niya ang black pouch sa sasakyan. Ito pala ay naglalaman ng $2,000 o ₱150,000, mga credit cards at isang iPhone 8.

NAIA driver, di nagdalawang isip na magsauli ng pouch na may lamang mahigit ₱150,000

source: Inquirer

Samantala, napansin na lamang ng may-ari ng black pouch na nakilala na si Belen Zoza Swegler nang siya ay nasa Newport City na.

Agad niya itong binalikan sa NAIA sa pagbabakasakaling makita pa ang pouch. Di nga siya nagkamali at nakuha pa niya itong muli dahil sa pagiging matapat ni Romnick sa pagsasauli nito.

Laking pasalamat ng 66 anyos na pasehero ni Romnick at naibalik sa kanya ang mga importante niyang gamit.

Si Romnick na rin ang nag-drive muli kay Belen pabalik sa Newpor City.

Some of the strangers from the Philippines were happy to be in the photo while others were confused and surprised. How would you react? Selfie With Strangers Challenge: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel