Wee-wee break? Ed Sheeran, pinaliwanag ang dahilan ng 2 beses na pag-cr habang nagko-concert

Wee-wee break? Ed Sheeran, pinaliwanag ang dahilan ng 2 beses na pag-cr habang nagko-concert

- Dalawang beses daw napahinto sa pagkanta si Ed Sheeran sa kanyang konsyerto para siya ay makapunta sa palikuran

- Hiyawan ng 60,000 fans ang sumalubong sa kanya nang muli siyang bumalik sa entablado

- Marami daw palang nainom na tubig ang sikat na British singer bago siya sumalang sa kanyang concert

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di lang isa kundi dalawang beses pa si Ed Sheeran napatigil kumanta dahil sa siya ang kinakailangang mag-banyo.

Nalaman ng KAMI na 60,000 na katao sa Principality Stadium sa Cardiff ang iniwan ni Ed para sa 'wee-wee' break.

Ayon sa Kicker Daily, matapos daw ang kantang 'Galway Girl' umalis si Ed ng entablado at nagpunta sa CR backstage.

Tatlong kanta pa ang nakanta niya muli nang makaramdam na naman siya ng sa kalagitnaan mismo ng sikat kanta niyang 'Photograph', napatakbo na naman siya sa Cr para mag-'wee-wee'

“I’m sorry Cardiff,” ang nasabi ng sikat na British singer bago mawala sa stage.

Nang siya ay bumalik, di napigilang maghiyawan ng kanyang mga fans. Kumanta muli siya na parang walang nangyari.

Sa isang TV show noong Hunyo 30, pinaliwanag ng 27 anyos na singer na naparami raw ang nainom niyang tubig bago siya sumapa sa entablado sa Cardiff.

“Yeah, you know what; I’ve never done that before. You know, when you gotta go, you gotta go.

But I was only off stage for like a minute. I’ve never done it, I’ve never stepped off stage to do that before, so I was there, I was playing, I was singing, but it was getting worse and worse and worse, you know when you start sweating.

The problem is because I play the show solo, I can’t just be like “hey band, start playing” so I literally had to put the guitar down and be like ‘talk amongst yourselves. Usually, the adrenaline and all the water you drink, you sweat out. But I drank so much water before the show,” paliwanag niya.

Ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na nangyari ito sa kanya.

Kilala si Ed Sheeran sa mga pinasikat niyang kanta na sarili niyang komposisyon gaya ng, 'Photograph' 'Shape of You' at 'Thinking out Loud'

Some of the strangers from the Philippines were happy to be in the photo while others were confused and surprised. How would you react? Selfie With Strangers Challenge: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Humarurot ang San Miguel Beermen sa puntos na 104-99 laban sa Alaska Aces

Humarurot ang San Miguel Beermen sa puntos na 104-99 laban sa Alaska Aces

Humarurot ang San Miguel Beermen sa puntos na 104-99 laban sa Alaska Aces
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel