OFWs na pasado sa LET, pasok na agad sa mga public schools

OFWs na pasado sa LET, pasok na agad sa mga public schools

- Ginawaran ng DOLE ang mga OFW na pasado naman sa LET ng pagkakataon na makapagturo na mismo dito sa ating bansa

- Napagkalooban ang mga piling OFWs ng mga teaching kits na kanilang magagamit bilang mga guro ng pampublikong paaralan

- Sa paraang ito, di na sila kinakailangan pang mangibang bansa upang magtrabaho para sa kanilang pamilya

Isang magandang oportunidad ang naibigay sa mga piling OFWs na pasado naman ng Licensure Examinations for Teachers.

Nalaman ng KAMI na kahit wala pang karanasan sa pagtuturo ang mga OFW na LET passers ay tatanggapin na sila bilang guro ng pampublikong paaralan.

Una nang naibalita ng ABS-CBN na 25 na mga dating OFW na nasa Davao ang nakatanggap ng mga teaching kits mula sa Department of Labor and Employment Davao Region. Kasama dito ang isang netbook, USB Flash drive, portable microphone at writing materials.

Ganun din ang natanggap ng 42 na OFW mula sa Tuguegarao na nakatanggap ng teaching kits na nagkakahalaga ng 20,000 pesos mula sa DOLE ng Region 2.

Tinawag nila ang kanilang programa na SPIMS na may kahulugang "Sa Pinas, Ikaw ang Ma'am at sir".

Sa mga kwalipikadong dating OFW, bibigyan sila ng posisyon na Teacher 1 sa pampublikong paaralan at permanente na agad at di na kontraktuwal ang kanilang posisyon.

Sa posisyong ito, makatatanggap na sila ng 20,179 bilang sahod at mayroon din silang 3,500 na chalk allowance at 6,000 na clothing allowance.

“Maraming, maraming salamat po sa DOLE at NRCO (National Reintegration Center for OFWs) sa pagbibigay ng ganitong tulong lalo na sa katulad kong dating OFW na nais nang manilbihan dito sa ating bansa,” ani Rodelyn Sisineros, isa sa mga nagawaran ng posisyon na maging guro.

Dahil sa programa na ito ng DOLE, di na raw kailangan pang magnibang bansa ng mga OFW na lisensyadong guro naman.

Permanenteng trabaho pa ang pagtuturo at maari ding tumaas ang sahod. Sa ganitong paraan, di na kailangang lumayo sa kanilang mga pamilya ang mga OFW para lamang magtrabaho pangsustento sa kanilang pamilya.

Some of the strangers from the Philippines were happy to be in the photo while others were confused and surprised. How would you react? Selfie With Strangers Challenge: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay

OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay

OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel