Huwag magpaipit sa Ipit Gang! Bagong modus na nabiktima si Kapuso host Lyn Ching-Pascual

Huwag magpaipit sa Ipit Gang! Bagong modus na nabiktima si Kapuso host Lyn Ching-Pascual

- May bagong modus na naman ang mga masasamang loob o magnanakaw ngayon at isa nga sa nabiktima ngayon ay ang 'Unang Hirit' host na si Lyn Ching-Pascual

- Ayon daw sa kanyang co-host na si Arnold Clavio, nabiktima ang hos ng 'Ipit Gang' habang namimili sa isang high-end boutique sa Rockwell nito lang Sabado

- Ibinahagi ni Arnold sa Dobol B sa News TV nitong Lunes lang na nakita daw sa CCTV ng boutique na dinikitan ang kasamahan niya na si Lyn Ching

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita daw ni Arnold Clavio sa Dobol B inipit daw si Lyn Ching-Pascual ng isa sa tatlong babae na umipit sa kanya sa isang sulok ng nasabing high-end boutique sa kalagitnaan ng sale.

Kitang-kita daw sa CCTV ng tindahan na kinuha ng babae mula sa bag ng Kapuso host ang cellphone niya at ipinasa sa isang kasamahan niya.

Ang huling napasahan ng nasabing cellphone ni Lyn Ching ay lumabas kaagad sa naturang boutique, ayon sa balita na nakuha ng KAMI.

Akmang kukunin pa umano ng babae ang wallet ni Lyn Ching ngunit napansin na daw ito ng host kaya't lumpiat daw ito sa ibang rack.

Pero sinundan pa rin daw nito ang Unang Hirit host at nang akmang kukunin na niya na naman ang wallet ni Lyn Ching ay timing naman napatingin na ang huli sa babae.

Kaya umalis na daw ito.

Ayon pa sa Balitambayan, pina-blotter na daw ng Kapuso host ang nasabinginsidente sa Makati Police Station 6.

At hindi lang pala si Lyn Ching ang biktima ng Ipit Gang, dahil may unang nakuhanan din ang nasabing mga babae at ito ay isang government undersecretary na ninakawan daw ng dalawang cellphone.

Nakuha ng Ipit Gang ang mga cellphones sa pagitan lang ng ilang minuto.

Ganoon ka bilis!

I-twineet naman ng Kapuso host ang napakasaklap at nakaka dismaya na pangyayari sa kanyang Twitter account at sabay pasalamat sa aksyon ng nasabing establisyemento kanyang service provider sa pagtulong sa kanya ng maayos ang kanyang personal na impormasyon sa cellphone.

Sa ibang dako, isang social experiment ang ginagawa kung saan pinapakita kung ano ang mga reaksyon ng ating mga kababayan sa isang gay couple na pinapakita ang kanilang love sa public.

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika

Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika

Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel