Neri Miranda, may matinding rebelasyon tungkol sa hirap niya noong nasa showbiz pa siya

Neri Miranda, may matinding rebelasyon tungkol sa hirap niya noong nasa showbiz pa siya

- Inamin ni Neri Naig na matindi pala ang hirap na pinagdaanan niya noong nasa showbiz pa siya

- Madalas daw ay abonado pa siya pag merong mga taping

- Umani ito ng iba-ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagulat ang maraming netizens na matinding hirap pala ang pinagdaanan ni Neri Naig noong mga panahong nasa showbiz pa siya.

Nalaman ng KAMI na halos walang pera si Neri noong nag-aartista pa siya at halos wala rin daw kumukuha sa kanya noon para bigyan ng projects.

Neri Miranda, may matinding rebelasyon tungkol sa hirap niya noong nasa showbiz pa siya

Neri Miranda, may matinding rebelasyon tungkol sa hirap niya noong nasa showbiz pa siya (Photo: Pinoy Exchange)

Sa post ni Neri sa kanyang Instagram account ay shinare niya ang photo na kuha noong nag-propose si Chito Miranda sa kanya.

"Four years ago lang pala 'to? Parang ang tagal tagal na!

"Grabe. Ang dami daming na nangyare tapos apat na taon palang pala yun."

Inamin ni Neri na ng mga panahong yan ay walang-wala siyang pera. Kuwinento rin niya ang struggle niya bilang isang artista.

"Biruin mo, walang wala akong pera nyan, struggling artista pa ako nyan. Halos walang kumukuha sa akin na show. Siguro kung meron man, pa isa isa lang per year, madalas guestings lang. Tapos magkakano lang ang sahod ko per taping? Minsan abunado pa ako kase yung gas, toll gate, bili ako ng food ko, bayad sa driver, at wala akong p.a. nyan kase walang wala akong pambayad, hehe!

"Four years ago, walang wala ako. Ngayon, dahil sa sipag at tyaga, nakakapundar na ako kahit papaano. Akala ko sa pag aartista ay makakapag ipon ako. Pinagsisiksikan ko ang sarili ko sa mundong akala ko ay para sa akin. Pero malaking pasasalamat ko sa mundo ng showbiz at dahil dito ay marami akong natutunan at kahit hindi ako sumikat, kahit papaano ay nakilala naman ako."

Binahagi rin niya na huwag susuko kung meron tayong gustong marating sa buhay. Kagaya niya na hindi man pinalad sa showbiz ay sa ibang bagay pala siya makakahanap ng pag-unlad. Sa kaso ni Neri, ito ay ang pagtatayo niya ng mga negosyo.

"Gusto ko lang i-remind sa inyo na normal lang ang mainip sa mga pangarap mo. Pero dahan dahan na makakamit mo rin yan basta sipag at tyaga. Samahan mo pa ng tiwala sa sarili at kay God. Wag kang sumuko. Kahit sabihan ka pa ng ibang tao na, "You won't make it." Ikaw naman ang makaka alam nyan kung makakaya mo ba o hindi. Kase ikaw ang gagawa ng destiny mo.

"Four years ago kahit one thousand pesos ay wala ako. Ngayon, nakakapundar na ako ng mga negosyo kahit maliitan lang. Kung nakaya ko, mas kaya nyo at kakayanin pa. Maniwala lang kayo sa sarili nyo kahit pa maraming kontrabida sa tabi tabi, hehe!

"Mas magandang mang engganyong mag trabaho at mag ipon kaysa maging kontrabida sa mga success ng ibang tao.

"Anyway, kung trip nyong panuorin ang proposal ni Chito sa akin na super nakakakilig talaga, you can click my link sa bio o visit this site https://youtu.be/tI42kSRQW_M

"And I, thank you! Bow."

Maraming netizens ang na-inspire at naiyak sa kuwento ni Neri. Bilib sila na napaunlad niya ang kanyang sarili kahit hindi siya pinalad sa showbiz.

Pero may isang netizen na nakapansin na dapat daw ay pasalamatan din niya ang kanyang asawa dahil masipag din ito kaya nakapagpundar sila.

Read some of the comments from netizens below:

"npatulo po luha ko dun.. galing nyo naman po talaga.. sana after 4 years may marating na rin po ako hayst"

"You’re 1 of the best inspiration @mrsnerimiranda dto sa social media.d kagaya ng iba na puro luho lang pinopost nila.and 1 of the lucky guy din si idol @chitomirandajr dahil napakawais mo.i salute you."

"Aww Ms. Neri thank you for voicing this out. Sobrang inspiring! God bless you and your fam po.

"Bka gusto nyo po sabihin thank u sa hardworking husband nyo at may nabundar kayo"

Neri Miranda, may matinding rebelasyon tungkol sa hirap niya noong nasa showbiz pa siya

Neri Miranda, may matinding rebelasyon tungkol sa hirap niya noong nasa showbiz pa siya (Photo: Pinoy Exchange)

Nagsimula si Neri Naig sa kanyang career sa pag-arte pagkatapos niyang sumali sa ‘Star Circle Quest,’ na isang reality television show ng ABS-CBN na wala na ngayon, kung saan siya nagtapos bilang 6th placer.

Gumanap siya ng maraming mga acting roles sa mga kilalang primetime series sa telebisyon at pelikula bago pa man sya lumagay sa tahimik at tumutok sa kanyang negosyo

This Philippines public prank will leave you laughing in tears! Today, we are going to take selfies with random people in the mall and observe their reactions. Are you ready to have a good laugh? Would you be able to take a selfie with a random person? Some of the strangers from the Philippines were happy to be in the photo while others were confused and surprised. How would you react? Click “Play” and watch these funny reactions right now!

Selfie With Strangers Challenge: The Funniest Reactions Ever - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story

5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story

5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel