Korean actor Jung Hae-in, nagbigay ng saya at kilig sa kanyang Pinoy fans

Korean actor Jung Hae-in, nagbigay ng saya at kilig sa kanyang Pinoy fans

- Bumisita sa Pilipinas ang Korean actor na si Jung Hae-in

- Kilig na kilig ang mga Pinoy nang makita ang aktor sa fan meeting nito

- Ibinahagi ng Korean actor ang kanyang paghahanda para sa isang ginampanang karakter

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bumisita sa Pilipinas ang Korean actor na si Jung Hae-in noong Hunyo 30, 2018 para sa kanyang fan meeting na ginanap sa KIA Theatre sa Quezon City. Hindi binigo ng aktor ang kanyang mga fans dito sa bansa dahil nagbigay ito ng saya at kilig na talagang hindi makakalimutan ng mga Pinoy.

Ayon sa Rappler.ph, Nakita ni Jung Hae-in na masayahin ang kanyang mga tagahanga at agad niya itong nadama kahit nasa airport pa lamang siya. Natatandaang gumanap ang aktor bilang si Han Woo-tak na isang pulis sa Korean drama na While You Were Sleeping na pinagbidahan nina Lee Jong Suk at Bae Suzy.

Inamin ni Jung Hae-in na pinaghandaan niya ng sobra ang kanyang karakter sa While You Were Sleeping. Naging totoo siya sa kanyang pag-uugali at galaw dahil isang pulis ang kanyang ginampanan.

Dagdag pa ng aktor, kailangan niyang panatilihin ang kanyang magandang katawan sa pamamagitan ng pagkontrol sa pagkain at mahigpit na diet.

Pagkatapos nang kanyang pagganap sa While You Were Sleeping, bumida ang aktor sa Korean drama na Pretty Noona Who Buys Me Food kasama ang Korean actress na si Sohn Ye-jin.

Si Jung Hae-in ay isang Korean actor at unang beses na napanood sa telebisyon sa dramang Bride of the Century. Lalo siyang nakilala noong napabilang siya sa Korean drama na While You Were Sleeping at Prison Playbook.

Gusto mo bang mahubog ang iyong inner thigh at mabawasan ang gap nito? May solusyon na sa iyong problema! Panoorin lamang ang Inner Thigh Gap Exercises: Achieve The Inner Thigh Gap Of Your Dreams upang malaman kung paano mo ito maisasatupad. Dito lang yan sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel