Duterte, may mabigat na akusasyon sa pinatay na Mayor Halili

Duterte, may mabigat na akusasyon sa pinatay na Mayor Halili

- Pinatay kaninang umaga si Tanauan City Mayor Antonio Halili

- Nagsalita na ukol dito si Pangulong Rodrigo Duterte

- Ayon sa Pangulo, maaaring adik raw sa illegal na droga ang pinatay na Mayor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsalita na si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa pinatay na Mayor ng Tanauan City na si Antonio Halili.

Nalaman ng KAMI na inakusahan ng Pangulo si Halili ng pagiging adik sa illegal na droga.

"Kanina si Halili sa Batangas. Kunwari ipa-procession ang mga addicts, siya pala, siya 'yun…

"I suspect he was into drug$. I just suspect," sinabi ni Duterte, ayon sa Rappler.

Kabaligtaran ito ng sinabi ng kaniyang Presidential Spokesperson na si Harry Roque na kakampi raw ng administrasyon si Halili.

Ang Mayor ay binaril ng malayuan nang umaga ng Lunes sa flag ceremony sa Tanauan City.

Ang Pangulo naman ay gumawa ng kontrobersya noong nakaraang linggo nang tawagin niyang “stupid” ang Diyos ng mga Kristiyano.

Tinawag din niyang “idiots” ang mga Apostol ni Cristo na kasama sa Last Supper.

Social experiment conducted by HumanMeter in the streets of the Philippines just ahead of the RiseUpTogether march held every year to empower the LGBT community. This time we are checking how people react to a gay couple expressing love in public – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Senator Tito Sotto may gustong palitan na linya sa Philippine national anthem

Senator Tito Sotto may gustong palitan na linya sa Philippine national anthem

Senator Tito Sotto may gustong palitan na linya sa Philippine national anthem
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel