Unica hija ni Ruby Rodriguez na si Toni Aquino, engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend

Unica hija ni Ruby Rodriguez na si Toni Aquino, engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend

- Engaged na ang panganay na anak ni Ruby Rodriguez

- Toni Aquino ibinahagi ang kanyang engagement

- May mensahe ang anak ng TV host sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ng aktres na si Toni Aquino ang kanyang engagement sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Rick Centurion noong Linggo. Si Toni ay ang unica hija ni Ruby Rodriguez. Bagama’t 20 taong gulang pa lang ang dalaga, nakikita na nito na ang kanyang kasintahan ang magiging kanyang kabiyak habang buhay.

Ayon sa Pep.ph, ibinahagi ni Toni ang kanyang engagement sa pamamagitan ng isang Instagram post. Ayon sa dalaga, engaged na sila ng kanyang fiancé na si Rick Centurion nitong Abril 2018. Ang kanyang kasintahan ay nagtatrabaho bilang isang miyembro ng U.S. Army.

Sa naturang post ni Toni, sinabi ng aktres na tatlong buwan na silang engaged at matagal na niyang gustong sabihin ito ngunit hinintay pa niya ang tamang oras. Dagdag pa ng aktres, ang proposal ang nagsilbing pahiwatig ng kanyang kasintahan na wala na siyang ibang mapupuntaha pa. Isang malaking yes ang isinagot ng dalaga nang siya ay alukin ng kasal.

Alam ni Toni na maaari siyang makatanggap ng mga negatibong komento dahil sa desisyon niyang mag-asawa ng maaga. Ngunit nilinaw ng aktres na tatapusin niya muna ang kanyang pag-aaral bago magpakasal. Ani niya, isang long engagement ang magaganap at parehong desisyon nila ito ng kanyang fiancé.

Humingi din ng dasal at suporta ang aktres sa kanyang mga tagahanga upang magtagal ang kanilang relasyon.

Si Antoinette Nicole Rodriguez Aquino o mas kilalang Toni Aquino ay isang aktres. Siya ang panganay na anak ng Eat Bulaga host na si Ruby Rodriguez. Napanood na ang aktres sa maraming pelikula at huling napanood sa morning show na Trops.

Nais mo bang matutong mag-yoga? Huwag matakot dahil kahit isa kang baguhan, kaya mong matuto mag-yoga. Panoorin lamang ang Yoga for Beginners dito lang yan sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands

Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands

Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel