Inilabas na ang CCTV footage sa aktwal na pamamaril kay Mayor Antonio Halili

Inilabas na ang CCTV footage sa aktwal na pamamaril kay Mayor Antonio Halili

- Kani-kanina lang ay isang nakapanlulumong balita ang lumabas sa pahayagan na pinag-uusapan hindi lang sa buong bayan kung hindi sa buong bansa

- Umabot na din sa ibang bansa ang nakakagulantang na nangyari kay Mayor Antonio Halili ng Tanauan sa Batangas

- Ngayon, pinalabas na ang CCTV footage ng aktwal na pamamaril sa mayor na una naming naispatan sa CNN Philippines

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinihagi ng nasabing source news outlet ang nasabing CCTV footage sa City Hall ng lungsod ng Tanauan.

Sa nasabing video ay makikita mo ang backview ng alkalde at iba pang mga empleyado sa City Hall habang nagfaflag ceremony sa grounds ng nasabing pamunuan.

Sa dami ng nakalapalibot na mga security o body guards ni Mayor Halili ay tila walang nakapansin kung saan nanggaling ang putok.

Madami ang lumalabas na balita na tila sniper/snipers ang killer o killers at kung titingnan din sa video hindi mo makikita kung saan nanggaling ang putok.

Makikita na lang na sinubukan pang tumakbo ng alkalde sa gilid para siguro magtago pero hindi pa rin sya nakatakas sa pamamaril at natumba din siya kalaunan.

Ayon naman kay Batangueño Senator Ralph Recto, na napag-alaman namin sa 'Inquirer' website na isang sniper daw ay "on the loose in Batangas."

Si Mayor Antonio Halili ng Tanauan, Batangas ay gumawa ng ingay sa mga headlines ng news' outlets dahil sa kontrobersiya ng kanyang "walk of shame" campaign laban sa mga illegal na bawal na gamot.

Sa nasabing campaign ay pinaparada niya ang mga suspects ng mga involved sa bawal na gamot sa buong paligid ng lungsod na suot-suot ang placards na nagsasabing:

"Ako'y pusher. Wag tularan."

Dahil dito ay tinitingnan ni Albayalde ang motibo sa pagpatay sa alkade na diumano'y posible na konektadosa kanyang "walk of shame' drive.

Una ng binalita ng KAMI ang nasabing nakakagulat at nakakapanlumo na pangyayari na sinapit ng alkalde ng Tanauan City sa Batangas na si Mayor Antonio Halili.

Tingnan ang buong insidente ng aktwal na pangyayari ng pamamaril kay Mayor Antonio Halili sa babang video.

Sa ibang bahagi, na isang malaking kontrobersiya din, isang social experiment ang ginagawa kung saan pinapakita kung ano ang mga reaksyon ng ating mga kababayan sa isang gay couple na pinapakita ang kanilang love sa public.

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
"Mrs. Incredible!" Billboard ni Toni Gonzaga, nagviral sa social media

"Mrs. Incredible!" Billboard ni Toni Gonzaga, nagviral sa social media

"Mrs. Incredible!" Billboard ni Toni Gonzaga, nagviral sa social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel