LeBron James, at ang kanyang kamangha-manghang kuwento ng pag-angat sa buhay
- Ang isa sa pinakamahal na superstars sa larangan ng basketball ngayon na si LeBron James ay dati pa lang lugmok sa kahirapan
- Ipinanganak ang multi-awarded basketball player sa Akron sa Ohio, at lumaki na palitpat lipat sa iba't-ibang apartment sa magaspang na mga kapitbahayan
- Pero nagbago ang lahat ng siya ay pinahintulutan ng kanyang ina na lumipat sa isang prep football coach sa edad na siyam at na-exposed kalaunan sa larong basketball
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Binahagi ng 'GMA News' ang kamangha-manghang kwento ng tagumpay ng nag-iisang LeBron James.
Napag-alaman ng KAMI na isa sa mga paborito sa NBA na basketball superstar na si LeBron James ay dumaan pala sa grabeng hirap ng buhay.
Sinong mag-aakala na ang isa sa pinakamahal na superstars sa larangan ng sports na si LeBron James ay isang mahirap na bata na anak ng isang batang ina na lumalaban din sa buhay para mabuhay?
Hindi mo aakalain na dumaan sa ibang klaseng hirap ng buhay si LeBron dahil ngayon ay kitang-kita ang maringal na buhay na meron siya at ng kanyang pamilya dahil na din sa angking galing niya sa basketball at sa kasikatan na natatamasa niya.
Dahil sa hirap, tiyaga, at pagpursigi, ang 3-time NBA champion at 2-time Olympic gold medalist at nakalista sa Forbes magazine bilang ika-anim na pinakamayamang atleta sa buong mundo.
Ang kanyang annual income lang naman ay $85.5 million.
Bago pa man lumabas ang desisyon niya kung saan sa pipirma ng kontrat o lalaro,
Naibahagi ni LeBron sa NBA Finals na ang mga posibilidad ay laban na daw sa kanya mula noong siya ay lima, anim na taong gulang pa lang.
Dagdag pa niya na, ang mga posibilidad ay laban na umano sa kanya noon pa at naipon na daw ito simula noong nagbibinata pa siya.
"The odds have been against me since I was five, six years old. The odds have been stacked up against me since I was an adolescent."
Pagpapaliwanag ng NBA superstar, hindi daw niya maikokompara ang kahirapan noong bata pa siya sa paglalaro ng basketball.
Aniya, basketball lang daw ito at hindi ito kahirapan. Hindi sa mga mahihirap na bagay na pinagdaanan niya sa buhay niya.
Kaya masasabi daw niya ang basketball ay masaya.
"I can never compare the adversity I went through when I was younger compared to playing basketball. This is just basketball. This is not adversity. Not with the things I've been through in my life. This is fun."
Naging unang player siya sa kanyang hometown NBA team na Cleveland Cavaliers from 2003 to 2010 at lumipat sa Miami Heat from 2010 to 2014.
Bumalik din siya sa Cavs noong 2014 hanggang 2018 pero ngayon ay pumirma na nga siya ng 4-year contract sa L.A. Lakers.
Ang kanyang mga awards at accomplishments ay nakakalula dahil din naman sa kanyang angking galing sa basketball.
At sa ibang mga balita, isang social experiment ang ginagawa kung saan pinapakita kung ano ang mga reaksyon ng ating mga kababayan sa isang gay couple na pinapakita ang kanilang love sa public.
Watch more HumanMeter YouTube videos here
Source: KAMI.com.gh