Grab driver, nagmistulang ambulansiya para sa pasaherong inaatake sa puso

Grab driver, nagmistulang ambulansiya para sa pasaherong inaatake sa puso

- Nilahad ng isang pasaherong inatake sa puso kung paano siya nailigtas ng Grab driver

- Nagmistulang ambulansiya ang Grab na nasakyan ni Katrina Tolentino sa diskarte ng driver para lamang madala siya sa ospital sa tamang oras

- Labis na humanga ang pasahero sa malasakit ng Grab driver sa kanya na nag-cancel pa ng 2 booking niya para lamang mabantayan ang mga gamit niya na nasa kotse pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilahad ng isang pasahero na nagngangalang Katrina Andrea Jaena Tolentino kung paano siya nailigtas ng isang Grab driver sa bingit ng posibleng kamatayan.

Nalaman ng KAMI na alam na ni Katrina na inaatake na siya sa puso. Ngunit nanatili ang presenya sa kanyang sarili at kinausap ng mahinahon ang driver ng na-book niyang Grab.

Sinabi ni Katrina sa driver na marahil inaatake na siya sa puso ngunit mukha naman daw na kakayanin niya na makarating sa ospital.

Kaya naman walang ano ano, binaba ng driver na nakilalang si Arnel Lunar ang kanyang bintana at pinatabi ang mga sasakyan na parang animo'y isang ambulansya.

Dahil dito, sa loob lamang ng 5 minuto ay nakarating sila ng ospital at doon nalapatan ng kauukulan na lunas sa dinaranas ni Katrina.

Mas lalong humanga si Katrina sa driver nang malaman nito na di pa agad umalis si Arnel para mabantayan ang gamit ni Katrina habang iniintindi naman ito ng kanyang kapatid.

Nag-cancel pa ng dalawang booking si Arnel para umalalay kay Katrina.

Talaga daw utang ni Katrina ang kanyang buhay kay Arnel dahil sa pagiging alisto nito sa oras na kinailangan niya talagang makarating sa ospital sa tamang oras.

Sa ngayon, habang siya ay nagpapagaling pa sa ospital, binahagi na lang muna ni Katrina ang kabayanihan ni Arnel sa kanya.

Di rin daw niya talaga alam kung paano pasasalamatan ang driver, marahil ay tatawagan na lamang daw niya ang Grab para ipaalam ang mala-'superhero' na aksyon nito. Nagpost din siya ng salaysay tungkol sa nangyari para malaman ng mga tao ang ginawang kabutihan ni Arnel.

Ayon sa panayam kay Arnel ng ABS-CBN news, sanay naman daw pala siya sa mga ganitong eksena kaya naman talagang natulungan niya si Katrina.

“Sanay ako na may sasakay sa akin na 50/50, basta 'yung mga ganoong emergency sanay na ako. Pokus na lang [ako] sa daan at hindi ko na [kinakausap] 'yung pasahero ko,” ani Arnel.

Masaya rin si Arnel na nakapagligtas siya ng buhay.

Dahil dito, binigyan si Arnel ng Gawad ng Pagkilala bilang pasasalamat sa kabayanihan niyang ginawa.

Some of the strangers from the Philippines were happy to be in the photo while others were confused and surprised. How would you react? Selfie With Strangers Challenge: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Happy cuties! 11 Celebrity babies na happiness ang peg sa mga pictures

Happy cuties! 11 Celebrity babies na happiness ang peg sa mga pictures

Happy cuties! 11 Celebrity babies na happiness ang peg sa mga pictures
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel