"It's time to let go," Ciara Sotto tanggap na daw ang nangyari at mapayapa bilang single mom

"It's time to let go," Ciara Sotto tanggap na daw ang nangyari at mapayapa bilang single mom

- Tatlong taon na daw ang lumipas nang si Ciara Sotto at ang mister niyang si Joe Oconer ay nagkahiwalay

- Ang kanilang anak na si Crixus ay halos mag-iisang taon pa lang ng sila ay pinili ang magkaibang daan na patutunguhan

- Pero aon naman kay Ciara "all is well' with her now, ayon sa panayam ng 'Philippine Entertainment Portal o PEP'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Noong June 22, Biyernes nakausap ng nasabing media outlet ang aktres at TV host na si Ciara Sotto sa press launch ng tvN show na 'Asia's One Night Food Trip International Edition 2' sa 'City of Dreams' sa Parañaque City.

Ayon sa nakuhang naming balita sa 'Smart Parenting,' sambit daw ng anak nin Helen Gamboat at Senator Tito Sotto na masaya naman daw siya.

“I’m happy, lalo na ngayon may project kami ni Danica [Sotto] na ganito. It’s been really good. Life’s been good and I’m very thankful to God for that. I’m very happy with the way Crixus is growing-up. You know, I’m just at peace with my life right now."

Tinanong din daw ang aktres kung okay lang bang sabihin o ipalagay na mas masaya siya ngayong bilang single woman.

Sagot naman ng aktres na naispatan ng KAMI sa nasabing website ay:

"For me, yes, of course."

Dagdag pa niya:

“Pero ganun naman talaga ang marriage. Meron kayong pagdadaanan na mahirap."

Sa pagpapatuloy na paliwanag ni Ciara:

"But then again, kapag hindi mo na talaga kaya and you think you’re compromising your own self, your own happiness, [if] it’s not making you a better person anymore, and you’re not happy with yourself anymore..."

At malakas niyang pinagdidiinan na:

“And I have zero tolerance for cheating. So, I think it’s time to let go.”

Ibinihagi din ng aktres at TV host na siya daw ang nagfile ng case para ma annul ang kanilang kasal.

"Ako ang nag-file, kasi sino pa ba magpa-file? Pero kasi, feeling ko rin, habang maliit si Crixus, mas madali for the kid."

Ayon din sa kanya, na mas madala daw ngayong bata pa ang kanilang anak dahil pagnaghintay pa siya na lumaki ang anak ay marami umano na itong mga tanong.

"It would be easier for him. Yung anak ko rin ang iniisip ko.”

Pero civil naman daw sila ng kanyang ex-husband dahil na din sa kanilang anak.

Ikinasal si Ciara Sotto at Joe Oconer noong 2010 at isinilang din ni Ciara ang anak nila na si Crixus noong Marso ng 2015.

Noong January ng 2016 ay kinumpirma ng aktres ang pag-alis nya sa bahay nila ni Joe at bumalik sa kanyang mga magulang na sina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa.

Inamin din naman ni Ciara sa nasabing interview na thirda party ang dahilan pero marami pang dahilan daw bukod dito.

Sa ibang dako, isang social experiment ang ginagawa kung saan pinapakita kung ano ang mga reaksyon ng ating mga kababayan sa isang gay couple na pinapakita ang kanilang love sa public.

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay

OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay

OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel