Dingdong Dantes, umamin na madaming beses nang nagkaroon ng depression

Dingdong Dantes, umamin na madaming beses nang nagkaroon ng depression

- Ibinahagi ni Dingdong Dantes ang mga depresyong hinarap niya sa buhay sa isang presscon ng Amazing Earth

- Ang pagkakaroon ng positibong dispusisyon at support system ang iilan sa kanyang mga payo

- Nagpasalamat siya sa mga taong laging nariyan sa kanyang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Madami-dami na palang beses ang hinarap na depresyon si Dingdong Dantes sa kanyang buhay. Ang panayam na ito ay nanggaling sa kanya nang siya ay matanong ng media sa isang presscon ng Amazing Earth noong Hunyo 13.

Hindi naman sumuko ang aktor sa kahit anong pagsubok ang hinarap niya. Nagbigay pa ang aktor ng magagandang-aral. Sinabi niya na kailangan talaga pagdaanan ang pagsubok upang maranasan ang isang breakthrough. Ito naman ang kanyang payo hango na din sa kanyang buhay.

“When that time comes, just make sure that you have people around you na tutulong sa’yo, na gagabay sa’yo, na mag-inspire sa’yo, na hihila sayo pabalik. Ganun lang naman yun.”

Paniniwala ni Dingdong na importante ang pagkakaroon ng matibay na support system at positibong dispusisyon sa buhay upang labanan ang depresyon. Nagpasalamat pa ito sa mga taong laging nakasauporta sa kanya tulad na laman ng kanyang manager na si Perry Lansingan, mga kaibigan at kanyang katuwang sa buhay na si Marian Rivera.

Samantala, madami ding mga kilalang celebrity ang nakaranas ng depresyon tulad nila Nadine Lustre, Miriam Quiambao at Vice Ganda.

Si Dingdong Dantes ay isang Kapuso Primetime King na asawa ni Marian Rivera. Sila ay nagpakasal noong 2014 at ngayon naman ay mayroon na ding napaka-cute na supling na si Zia. Parehas na busy ang dalawa sa showbiz at kinikilalang magandang modelo ng mga kabataan.

Naniniwala ang KAMI na hindi madaling kalabanin ang depresyon ngunit tama si Dingdong na positibong dispusisyon at support system ang kinakailangan ng taong nagdaranas nito.

Social experiment conducted by HumanMeter in the streets of the Philippines just ahead of the RiseUpTogether march held every year to empower the LGBT community. This time we are checking how people react to a gay couple expressing love in public. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story

5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story

5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel