Raffy Tulfo napagsabihan ang inang nambastos daw ng anak na hinihingian niya ng sustento

Raffy Tulfo napagsabihan ang inang nambastos daw ng anak na hinihingian niya ng sustento

- Likas sa ating mga Pilipino ang tumutulong sa mga magulang pagkatapos tayo pagpatapusin ng pag-aaral

- Pero nakakadismaya malaman ang isang magulang na diumano'y nambastos ng anak sa lugar ng pinagtatrabahuhan nito dahil sa di binigyan ng sustento

- Kaya naman hindi nakapagpigil si Raffy Tulfo at napagsabihan ang ina tungkol sa hindi kaaya-aya na ginawa sa anak na may sariling pamilya na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumunta ang ina na si Elizabeth sa show ni Raffy Tulfo para makausap ang anak niya na ang pangalan ay si Desiree dahil daw tumigil na ito sa pagbibigay sa kanya ng sustento taga buwan.

Si Desiree ay isang professional na dentista na nag-asawa na, at ayon sa ina na, tila nagbago na daw ang anak sa pakikitungo sa kanya.

Pero nalaman ng KAMI sa naturang panayam na ibinihagi naman sa Facebook page ng naturang programa na hindi naman daw nagkulang o nabigo na magpadala si Desiree sa ina niya na si Elizabeth ng monthly allowance na nagkakahalagang 26,000 pesos.

Nag-umpisa daw ito noong nakakuha siya ng disenteng trabaho hanggang nag-asawa na siya.

Subalit, kamakailan lang daw ay huminto siya sa pagbibigay ng sustento sa ina dahil daw paghindi siya nakakapagbigay sa insaktong araw, nagagalit daw ang ina niyang si Elizabeth at magsasabi ng masasakit na salita sa kanya.

Isiniwalat din ni Desiree na madala daw pinaalalahan at pinagagalitan siya ng inang si Elizabeth na kesyo walang modong anak daw siya at investment daw niya siya at kailangan daw niyang bayaran ang perang pinag-aral niya sa eskwelahan.

Dahil na din sa pambabastos ng ina ay nagmungkahi ang mister ni Desiree na tigilan na ang pagbibigay ng pera sa kanya.

Dito daw ay naging hysterical ang kanyang inang si Elizabeth at pinuntahan pa siya sa kanyang dental clinic at gumawa daw ng iskandalo sa harapan ng mga pasyente ng anak.

Kaya naman napagsabihan ni Raffy Tulfo ang ina dahil dito at sinabing siya din daw mismo ay nagbibigay ng sustento ng ina pero hindi daw sya inuubliga ng Nanay niya.

Saad pa ni Raffy:

"Sana Nay respetuhin n'yo po ang anak niyo lalo pa't itoy dentista. Marami itong mga pasyente.Ang panget ho tingnan mababastos po siya doon sa kanyang mga pasyente.Ayaw ko pong mangyari na magkakahiwalay sila, magkakawatak-watak silang mag-asawa ng dahil nga po sa hinding magandang ugali mo, ayon kay Desiree."

Dagdag pa ni Raffy Tulfo,

“Hindi ho maganda Nay na matapos mo siyang mapaaral, sisingilin mo siya doon sa pinaaral mo sa kanya.”

Tingnan ang buong panayama sa babang video na umabot na ng mahigit isang milyong views.

At sa ibang dako, isang social experiment ang ginagawa kung saan pinapakita kung ano ang mga reaksyon ng ating mga kababayan sa isang gay couple na pinapakita ang kanilang love sa public.

Watch more HumanMeter YouTube videos

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story

5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story

5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel