May pinag-aralan daw siya! Rina Navarro, ayaw madikit ang pangalan kay Ara Mina

May pinag-aralan daw siya! Rina Navarro, ayaw madikit ang pangalan kay Ara Mina

- Sa isang ambush interview ay tahasang kinumpirma ni Rina Navarro ang bali-balitang si Ara Mina ang naging dahilan ng hiwalayan nila ng tatay ng kanyang anak

- Hindi din daw niya naramdaman na kawawa siya dahil mas maganda umanong mas maaga niyang natuklasan

- Ayaw din daw niyang nadidikit ang pangalan niya sa aktres dahil hindi siya komportable dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinaunlakan ni Rina Navarro ang ilang press people nang tanungin siya tungkol sa isyu ng pagkakatuklas niya sa lihim na relasyon diumano ng kanyang ex-fiance na pulitiko at ng aktres na si Ara Mina.

Sa isang ulat ng PEP, inihayag ni Rina ang kanyang saloobin sa nangyari. Ibnunyag niya na ang kantang "Foolish Heart" ang kantang naging daan upang matuklasan niya ang katotohanan.

Doon niya nalaman na may relasyon ang aktres sa kanyang ex-fiancé na undersecretary.

Nang tinanong siya kung ano kaya ang puwedeng title kung magkaka pelikula ang aktres ang sagot niya ay, “Sorry Na Nalaman Ko.”

Sinabihan pa siya umano ni Ara na, “Kawawa ka naman dahil may six-month-old baby kayo.”

Binalak niya pa naman na imbitahin ang aktres sa binyag ng anak nila ni Usec Dave Almarinez ngunit nalaman niya ang lihim na relasyon umano ng dalawa.

Ayon pa kay Rina, hindi niya nararamdamang kawawa siya dahil sa nangyari.

“Actually, I’m not kawawa, don’t want people to see me as kawawa. I want women to see me as someone who is strong.

Kailangan din daw niyang lumaban ngunit hindi naman ibig sabihin daw nun ay kailangan niyang sirain ang kalaban.

“I mean, I’m only human. Siyempre, lalaban ka din. And I think, laban means... you know, hindi mo naman kailangang sirain yung kalaban mo.

“You just have to know when to leave. I gathered the strength to leave.”

Sinumbat din nito kay Ara na tinuring niyang parang kapatid, “I treated you like a friend. You were like a sister to me.

"You knew that I have a family. And mali yung ginawa mo sa akin. How could you do that to me?”

Ang tanging naisagot lang daw ni Ara ay, “I’m sorry, nalaman mo, pero sasabihin ko naman.”

Sobra daw siyang nasaktan nong mga oras na iyon.

“Para akong mamamatay. Kasi, ano, eh... kung sinaktan ko siya... kung sinaktan ko siya at nag-react ako nang hindi maganda... ayokong lumabas kasi yung ganun.

“Because may pinag-aralan akong tao.

Ayon pa sa kanya, ayaw niyang maiugnay sa aktres hangga't maari dahil hindi sila magkapareho.

“In fact, pag nadidikit yung pangalan ko sa pangalan niya, I’m not comfortable with that.”

Bakit?

“Because I’m nothing like her.”

May video pa umano ang kanilang pag-uusap ngunit bawal ilabas ito kung ang legalidad ang pag-uusapan sapagkat hindi alam ng aktres na kinukuhanan sila ayon sa ulat ng PEP.

Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | on BeKami

Yoga for beginners: your intro to yoga is already on BeKami! Were you aware that Crystalle is not only a well-known fitness trainer in the Philippines but also a big fan of yoga? So, if you have already wanted to try yoga, this tutorial is a perfect opportunity to make the first move towards this activity right from your home!

Watching it, you can learn some basic poses and tips.

Source: Kami.com.ph

Related news
Da Best Collab Ever! YT vloggers Alex Gonzaga at Lloyd Cafe Cadena, nagsama

Da Best Collab Ever! YT vloggers Alex Gonzaga at Lloyd Cafe Cadena, nagsama

Da Best Collab Ever! YT vloggers Alex Gonzaga at Lloyd Cafe Cadena, nagsama
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel