Grabe, parang si KZ talaga! Sheena Belarmino, kuhang kuha ang galawan ni KZ Tandingan sa YFSFK

Grabe, parang si KZ talaga! Sheena Belarmino, kuhang kuha ang galawan ni KZ Tandingan sa YFSFK

- Si KZ Tandingan ang ginaya ni Sheena Belarmino para sa performance niya sa Your face sounds familiar Kids noong Hulyo 1

- Marami ang napanganga sa performance ni Sheena na gayang gaya talaga si KZ

- Suot din ni Sheena ang mismong outfit ni KZ sa performance niya ng Singer 2018 kung saan kinanta niya ang agaw eksenang version niya ng 'Rolling in the deep'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-standing ovation talaga ang mga celebrity judges ng Your face sounds familiar kids noong Linggo dahil sa makapanindig balahibong performance ni Sheena Belarmino na ginaya si KZ Tandingan.

Nalaman ng KAMI na suot pa mismo ni Sheena ang outfit ni KZ sa Singer 2018 nang nag-perform siya ng makapigil hininga niyang bersyon ng kantang 'Rolling in the Deep' ni Adele.

Marami ang namangha kay Sheena, dahil sa powerful performance niya kung saan gayang gaya niya talaga si KZ.

Ultimo ang rap part ng ng bersyon ni KZ ng Rolling in the Deep ay talaga namang kuhang kuha ng 12 taong gulang na multi-talented star.

Matapos ang kanyang performance, laking gulat ni Sheena na naroon pala mismo si KZ at pinanood ang kanyang pagtatanghal.

Ultimo si KZ ay talgang napa-wow sa ginawa ni Sheena na di niya inaasahan.

Gaya rin kasi ni KZ, total performer talaga si Sheena kaya naman di malayong makuha niya talaga ang galawan ni KZ sa entablado.

Nag-duet pa ang dalawa ng kantang 'Two less lonely people' na labis ding ikinatuwa ng mga nanonood.

Dahil sa galing ni Sheena sa linggong iyon, siya ang tinanghal na weekly winner.

Some of the strangers from the Philippines were happy to be in the photo while others were confused and surprised. How would you react? Selfie With Strangers Challenge: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Da Best Collab Ever! YT vloggers Alex Gonzaga at Lloyd Cafe Cadena, nagsama

Da Best Collab Ever! YT vloggers Alex Gonzaga at Lloyd Cafe Cadena, nagsama

Da Best Collab Ever! YT vloggers Alex Gonzaga at Lloyd Cafe Cadena, nagsama
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel