LeBron James, pumirma ng 4-year, $154M deal na kontrata sa Los Angeles Lakers

LeBron James, pumirma ng 4-year, $154M deal na kontrata sa Los Angeles Lakers

- Napakamainit na balita sa NBA sports ngayong araw lalo na sa mga followers ng nasabing basketball game at fans ni LeBron James

- Pumirma na nga ang NBA superstar ng isang apat na taon na kontrata sa koponan ni Magic Johnson sa tumataginting na halagang 154 million dollars o 8,218,287,000.00 pesos, sa pera natin

- Ayon pa sa 'ESPN,' ito daw ang pinakamahabang kontrata na kanyang pinirmahan pagkatapos noong 6-year contract niya sa Heat noong 2010

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umingay nga ang online world dahil sa latest na balita sa NBA universe tungkol sa inaabangang desisyon ng dating Cleveland Cavaliers' superstar player na si LeBron James.

Napag-alaman ng KAMI na sumang-ayon na nga sa wakas ang often as regarded as the 'best basketball player in the world' sa bagong kontrata.

Ito ay kinumpirma sa isang balita ng 'ESPN,' at talaga namang nag-ingay ang mga fans at ang NBA world sa desisyon ito ni LeBron James.

Nakuha nga ni L.A. Lakers Magic Johnson ang pirma ni LeBron at napa oo niya ito sa apat na taong kontrata pagkatapos ng pagiging free agent nito sa ilang mga taon sa Cleveland Cavaliers.

Mabubuo na nga yata ang 'super team' na diumano'y gustong itatag ni Magic Johnson para sa kanyang koponan na L.A. Lakers.

Marami din naman ang nautwa sa balitang ito na una naming nakita sa Facebook page ng 'PBA & NBA World.'

Panoorin at pakinggan ang pahayag ng commentator ng 'First Take' na si Stephen A. Smith sa babang video tungkol sa malaking balita na ito.

Si LeBron James ay pinanganak sa Ohio kaya naman naging unang player siya sa kanyang hometown NBA team na Cleveland Cavaliers from 2003 to 2010 at lumipat sa Miami Heat from 2010 to 2014.

Bumalik din siya sa Cavs noong 2014 hanggang 2018 pero ngayon ay pumirma na nga siya ng 4-year contract sa L.A. Lakers.

Ang kanyang mga awards at accomplishments ay nakakalula dahil din naman sa kanyang angking galing sa basketball.

Sa ibang bahagi, sang social experiment ang ginagawa kung saan pinapakita kung ano ang mga reaksyon ng ating mga kababayan sa isang gay couple na pinapakita ang kanilang love sa public.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel