Nanay na street sweeper, napagtapos ang anak bilang 'cumlaude' at ngayon lisensyadong guro na

Nanay na street sweeper, napagtapos ang anak bilang 'cumlaude' at ngayon lisensyadong guro na

- Nakakabilib ang ina na isang street sweeper na si Marilou Santos na napagtapos ang anak na ngayon ay isang guro na

- Mag-isa lang iginapang ni Marilou ang pag-aaral ng anak nito na si Abigale

- Napagtapos niya ng kolehiyo ang kanyang anak at nasuklian naman agad ang lahat ng sakripisyo niya para rito dahil di lang ito grumadweyt, 'cumlaude' pa ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na kahanga-hanga ang single parent na si Marilou Santos. Sa simpleng hanapbuhay niya na isang street sweeper, naigapang niya ang pag-aaral ng kanyang anak na si Abigale.

Nalaman ng KAMI na taong 2004 nang nagsimula siyang maging volunteer street sweeper ng Marikina City.

Nanay na street sweeper, napagtapos ang anak bilang 'cumlaude' at ngayon lisensyadong guro na

source:supplied

Tumutulong din naman ang tiyo ni Abigale sa mga gastusin nito lalo na sa paaralan ngunit nawala rin ito matapos ang graduation ni Abigale ng high school.

Pinagpala pa rin silang mag-ina at natulungan sila ng lokal na pamahalaan ng Marikina.

Maging ang lola ni Abigale ay namasukan na bilang kasambahay para lamang makatulong sa gastusin ng kanilang pamilya lalo na sa pag-aaral ng apo.

Ngunit ang lahat ng hirap na pinagdaanan na ito ng pamilya ni Abigale ay di naging hadlang para makamit niiya ang tagumpay. Bagkus ginawa pa niya itong inspirasyon para mas maging maayos ang lahat.

Sulit ang lahat ng hirap at pagod ng ina ni Abigale nang nagtapos ito bilang 'cumlaude' at taong 2017, nakapasa na rin siya sa Licensure Examinations for teachers kaya naman isa na siyang propesyonal na guro.

Marahil marami na ang may parehong kwento nina Abigale at inang si Marilou, ngunit may kurot parin ito sa ating puso.

Some of the strangers from the Philippines were happy to be in the photo while others were confused and surprised. How would you react?

Selfie With Strangers Challenge: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon

Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon

Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel