Nag-aadjust pa! Jennica Garcia, naiyak nang masigawan ang anak na si Mori

Nag-aadjust pa! Jennica Garcia, naiyak nang masigawan ang anak na si Mori

- Ibinahagi ni Jennica Garcia ang kanyang hirap bilang ina ngayong kakapanganak niya pa lamang sa kanyang pangalawang anak

- Ayon sa kanya, alam niyang puwede siyang mabatikos sa ginawa niyang pagbahagi nito

- Nasiigawan niya diumano ang kanyang panganay na si Mori na hindi niya nakasanayan kaya naiyak daw siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang humahanga kay Jennica Garcia dahil sa kanyang pagiging ulirang ina. Mas pinili niya ang pagiging isang ina kaysa sa kanyang showbiz career at talaga namang ka hanga-hanga ang kanyang pagiging nanay at asawa.

Palagi siyang nakakatanggap ng papuri mula sa mga netizens dahils sa magandang hamlimbawang kanyang ipinapakita.

Sa kanyang post sa Instagram ay pinaliwanag niya hindi dapat ikinukumpara ang pagiging nanay sa ibang nanay sa social media.

Ilan umano sa mga kadalasang sinasabi sa kanya, "You are amazing," "Jennica, isa kang LODI...," "How to be you po?," "Kung sana hindi ako single mom, siguro nagagawa ko rin yung nagagawa mo."

Ngunit kagaya umano ng ibang mga nanay, siya ay tao lang, hindi perpekto at nagkakamali din. Ang pagiging nanay umano ay hindi ganun kadali.

"I keep my posts on a cheerful note because I want to spread a harmonious energy to those who follow me, but I realized that maybe, my posts are making others feel bad about themselves."

Ibinahagi niya ang kanyang hirap sa adjustment stage ng pagkakaroon ng pangalawang anak.

"Since my second child was born, for 3 straight days, I gave cereals for breakfast when [Mori] is used [to] eating whole meals that I've supposedly prepared the night before. Hindi ko na magawa.

Ayon pa sa kaniya kahit hindi niya ugaling sumigaw ay nasigawan niya ang panganay.

"I don't shout at Mori and maintain a calm demeanor, but last night, I raised my voice. 'Mori naman, sana makinig ka!' Then I cried. I apologized.

Ayon sa kanya nawala sa isip niyang hindi pa rin sanay ang panganay niya at dapat siya ang mas nakakunawa nun.

"She is also in transition. I am the adult I should have known."

Ibinahagi din niya ang naging 'palpak' niyang muntik nang ikapahamak ng kanyang baby.

"If you swipe left, you will see me holding a mason jar. I am catching the leaking milk.

"I was successful until I started doing it while in a side lying position. I FELL ASLEEP.

Nalaglagan umano ang kanyang anak ng jar sa mukha.

"Nalaglag yung mason jar sa mukha ng aking four-day-old baby. Thank God, she did not cry and that she is fine. For some reason parang wala siyang naramdaman because she was still breastfeeding as if nothing happened, but I am sure natamaan siya."

Muli niyang pinaalalahanan ang kanyang kapwa nanay na okay lang minsan magkamali.

"Now why I am my sharing this kahit alam ko na may mambabatikos sa 'kin. Kasi Inay, okay lang yun na nagkamali ka.

"Okay lang na minsan gusto mo ikaw naman.

"Pwede naman tayo magkamali.

"May Diyos, at buhay siya. Because of what He did, there will always be hope for us."

Nagbigay din siya ng payo sa buhay may asawa. "To continue loving our husbands, even in those days when they are no longer lovable.

"By being able to demonstrate saintly patience in the household so that our family will see Christ in us."

Hindi din daw dapat ikumpara ang pagiging nanay sa ibang mga nanay sa social media.

"Wag mo kukumpara yung mga Nanay sa social media. Ganon talaga, gaya ko ang ipo-post ko yung masasaya pero di ibig sabihin nun laging masaya. Ganon naman talaga ang buhay.

"Let's just hold on to eternity and God's promises para hindi tayo mawala ng landas. Bilib ako sa iyo, INAY! Mabuhay ka!"

Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | on BeKami

Yoga for beginners: your intro to yoga is already on BeKami! Were you aware that Crystalle is not only a well-known fitness trainer in the Philippines but also a big fan of yoga? So, if you have already wanted to try yoga, this tutorial is a perfect opportunity to make the first move towards this activity right from your home!

Watching it, you can learn some basic poses and tips.

Source: Kami.com.ph

Related news
OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay

OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay

OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel