Ina na galit na galit sa mga mama's boy, naging emosyonal nang siya ang nagkaroon ng anak na lalaki
- Binahagi ng isang batang ina kung gaano noon siya naiinis sa mga 'mama's boy'
- Ayon sa kanya, lagi na lamang niya itong naririnig sa naging boyfriend niya na laging "sabi ni mama" ang sinusunod
- Naiba ang ihip ng hangin at pananaw ng netizen na ito nang siya mismo ang nagkaron ng sarili niyang anak na lalaki
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Di na mawawala sa sistema ng isang pamilya na mayroon talagang mga 'mama's boy'. Ito raw yung sitwasyon kung saan mas napapagtuunan ng pansi ng mga nanay ang kanilang mga anak na lalaki lalo na kung ito at bunso o nag-iisang lalaki sa pamilya.
Nalaman ng KAMI na may ilang mga babae na naiirita sa mga 'mama's boy' na ito dahil tila nawawalan daw ng sariling paninindigan ang mga mama's boy na ito dahil lagi na lamang silang nakadepende sa mga sinasabi ng kanilang ina dahil na rin sa malapit sila sa mga nanay nila.
Ngunit, gaya ng isang netizen na ito na aminadong dating galit na galit sa mga 'mama's boy, naiba ang ihip ng hangin nang siya mismo ang nagkaroon ng sarili niyang anak na lalaki.
Narito ang nakaka-inspire na realization o napagtanto ng ina na ito tungkol sa mga 'mama's boy':
Nung bata ako, lagi kong naririnig yan sa mga kaklase ko, kalaro ko at sa kung sino sino pa. Tawag nila yan sa mga lalaking iyakin, duwag at sumbong nanay daw. Ang dami kong kilalang ganyan. Nagka-boyfriend narin ako ng mamas boy dati. Nakakabwisit kasi lahat ng sabihin ng nanay nya sinusunod nya, puro nalang sya si "sabi ni mama ganito", "sabi ni mama ganyan".
Ngayon, isa na rin akong ina. Ina ng isang napaka gwapong bata. Mahal na mahal ko sya, napaka gwapo talaga ng bunso ko, hindi dahil sa anak ko sya, dahil kahit ibang tao ako talagang ma-gagwapuhan ako sa batang to. Unico hijo ko to. Nagiisang lalaking minahal ko ng higit pa sa lahat ng pagmamahal na naibigay ko sa mga naging jowa ko.
Aaminin ko, mamas boy sya, gusto ko syang maging mamas boy. Gusto ko ako lang ang love nya, ayokong dumating yung time na magkakagirlfriend na sya, gusto ko "mami lang lagi". Gusto ko syang angkinin. Kasi akin sya. Gusto ko syang ingatan hanggang sa huling hininga ko, hindi ko hahayaan na may ibang taong manakit sakanya, pag pinapalo sya ng dad nya nagaaway kaming dalawa.
Ngayon pa nga lang iniisip ko na kung paano ko tatarayan yung mga magiging girlfriend nya (kahit 1yrold palang sya)
Alam mo kung bakit? Kasi mahal na mahal nya ko. Tatae lang ako iiyak na sya, kasi akala nya iiwan ko sya. Kakargahin ko lang ate nya eto na sya tatakbo na para magpakarga din. Sobra sobra yung pagmamahal nya sakin, at ganun din ako sa bunso ko. Tinititigan ko sya lagi pag natutulog, pinagpapasalamat ko sa Dyos na binigyan nya ko ng lalaking perfect para sakin, na dumating sa buhay ko ang isang lalaking bubuo sa nasira kong pagkatao dahil sa maling taong minahal ko, at yun ang anak kong lalaki.
Hindi habang buhay naming makakasama ang mga anak namin. Darating yung panahon na magtatrabaho, magkakaroon sila ng sarili nilang pamilya at malalayo sila samin. Hangga't bata pa sila, hangga't kaya pa namin silang baby-hin gagawin namin yun. Dahil para sa isang ina ng batang lalaki, blessing yun samin. Kasi bumubuo at magpapalaki kami ng isang taong balang araw ay magiging isang succesful na binata, haligi ng isang tahanan, mabuting asawa at huwarang ama.
Hindi kahinaan ang pagiging mamas boy, yung iba kasi hanggang sa pagtanda dala dala na nila. Pero sa likod ng isang mamas boy na lalaki ay ang isang ina na minamahal sila ng sobra, na lahat gagawin para sakanila, simula pagkabata hanggang sa pagtanda.
Alam ko paglipas ng panahon hindi mo na susundin ang bilin ko, hindi mo na susuotin yung mga damit na gusto kong ipasuot sayo, mahihiya ka ng ipakita sakin yang putotoy mo. Kaya lulubusin ko na ang mga panahong kasama pa kita, hanggang sa dumating na ang araw na handa ka ng sumama sa isang babaeng magmamahal at magaalaga sayo ng higit pa sa naibibigay ko.
Hindi ko pinagsisisihan yung araw na dumating kayo ng ate mo, lahat ng hirap at sakit ng ay matitiis ko basta makita ko lang kayong lumaking mababait na bata. Kung anong landas man ang tahakin mo anak sa mga susunod pang taon, nandito lang ako lagi sa tabi mo para gabayan at suportahan ka, basta wag ka malulong sa droga charot.
Mahal na mahal kita anak, simula nung unang beses kita nakita hanggang sa huling araw mo akong makakasama.
Some of the strangers from the Philippines were happy to be in the photo while others were confused and surprised. How would you react? Selfie With Strangers Challenge: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh