34-year-old na babae gumastos ng mahigit sa $70,000 para sa kanyang Barbie koleksyon

34-year-old na babae gumastos ng mahigit sa $70,000 para sa kanyang Barbie koleksyon

- Isang dating taga Japan na babae ang pina-uuusapan sa social media ngayon dahil sa kanyang nakakawindang na Barbie collection

- Ang nasabing babae ay si Azusa Sakamoto na mahilig sa isa sa pinakasikat na manika sa buong mundo

- Una siyang nahilig sa Barbie noong 15 years old lamang siya ng bumili siya ng kanyang unang lunchbox at ngayon, sa edad na 34 ay gumastos lang naman siya ng mahigit sa $70,000 para sa kanyang buong Barbie koleksyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ngayon, pinag-uusapan si Azusa Sakamoto sa social media dahil nga sa pagkahilig nito sa Barbie.

Makikita mo ang kanyang sobrang pagkahilig sa nasabing manika sa kanyang Instagram account na naispatan ng KAMI.

Pero unang nakita ang nakakamangha na kwento sa Facebook account ng 'Definitley Filipino' dahil shinare ito ng naturang page galing sa 'Buzzooks.'

Si Azusa na dating taga Japan ay nasa West Hollywood sa California na, ayon na din sa kanyang profile sa Instagram page niya.

At proud na proud ang naturang Barbie fan sa kanyang pagmamahal at pangkahilig sa nasabing sikat na manika.

Sa katunayan ay mahigit sa 3 million pesos na kung ating susumahin sa ating pera ang kanyang nagastos sa pangongolekta ng mga Barbie dolls at merchandise.

Ayon sa balita, mayroon siyang 145 Barbie dolls, 40 na pares ng sapatos sa nasabing koleksyon, at 60 bags, at hindi pa daw kasama dito ang pera na ginastos niya para sa mga accessories, Barbie conventions, at home furnishings.

Gayunpaman, ay inamin daw ni Azusa na hindi niya sinusubukan na magmukhang Barbie ngunit, sa halip, ay mahal lang naman daw niya ang brand.

Ayon pa daw kay Azusa Sakamoto,

“To me, Barbie shows girls that we can be anything we want; she shows us how to have fun. She has so many professions, too. Sometimes, she’s a teacher, then a doctor, then a dancer, she shows us all the opportunities women have."

At dagdag pa niya sa hindi niya sinusubukan maging isang Barbie,

“I’m my own person, and I have my own individual look. It’s important to be yourself."

Dahil pinag-uusapan natin ngayon ang pagka-colorful ni Barbie, pag-usapan din nating ang gay pride.

Isang social experiment ang ginagawa kung saan pinapakita kung ano ang mga reaksyon ng ating mga kababayan sa isang gay couple na pinapakita ang kanilang love sa public.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel