Patricia Javier, biniktima ng ‘Basag-Kotse Gang’ sa Antipolo

Patricia Javier, biniktima ng ‘Basag-Kotse Gang’ sa Antipolo

- Kumain kagabi sa isang restaurant sa Masinag, Antipolo si Patricia Javier

- Lumabas siya ng kainan nang marinig na nag-alarm ang sasakyan niya

- Nagulat na lang siyang nabiktima na pala siya ng basag-kotse gang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi inakala ni Patricia Javier na mabibiktima ang kaniyang mamahaling Ford SUV habang ito ay naka-park sa isang restaurant sa may Masinag, Antipolo.

Nalaman ng KAMI na ninakawan ang aktres ng basag-kotse gang noong 8:00 p.m. kagabi, July 1.

Ayon sa kaniyang pahayag sa ABS-CBN News, mayroon siyang ka-meeting sa restaurant nang mangyari ang krimen.

"Sensitive kasi ang sasakyan ko. Akala ko nasagi lang. Tapos may nakita akong 2 lalaking nakamotor sa tabi ng sasakyan, akala ko nasagi lang nila," ipinaliwanag ni Patricia.

Ilan sa mga nakuha ng kawatan mula sa SUV ay alahas, Louis Vitton bag, cellphone, wallet, ATM cards, at credit cards ng aktres.

Nananawagan din siya sa kung sinoman ang pagbentahan ng alahas niya na i-contact siya kung sakaling makita ito.

"Sana 'pag may nagbenta, itawag n'yo sa akin. Magkano man ibinenta, bibilhin ko," sinabi ni Patricia.

Narito ang video report mula sa "Umagang Kay Ganda:"

Si Patricia Javier ay ikinasal kay Dr. Rob Walcher, isang kilalang chiropractor sa bansa, noong December 27, 2005 sa San Diego.

Sila ay may dalawang anak, sina Rob at Ryan James.

Una silang nagkakilala noong taong 2003, nang magpunta si Patricia sa U.S. para sa kanyang mga shows doon.

Nais ng KAMI na mabigyan ng hustisya si Patricia Javier at maibalik ang kaniyang mga gamit!

Social experiment conducted by HumanMeter in the streets of the Philippines just ahead of the RiseUpTogether march held every year to empower the LGBT community. This time we are checking how people react to a gay couple expressing love in public – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Humarurot ang San Miguel Beermen sa puntos na 104-99 laban sa Alaska Aces

Humarurot ang San Miguel Beermen sa puntos na 104-99 laban sa Alaska Aces

Humarurot ang San Miguel Beermen sa puntos na 104-99 laban sa Alaska Aces
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel