Netizens, nais tulungan ang lola na masipag pa ring nagtitinda ng puto kahit ito ay nakakuba na

Netizens, nais tulungan ang lola na masipag pa ring nagtitinda ng puto kahit ito ay nakakuba na

- Nagviral ang larawan ng lola na nagtitinda ng puto sa madaling araw sa kabila ng hirap na sitwasyon niyang nakakuba na

- Bakas sa itsura ng matanda na hirap siya dahil sa nakabaluktot na ang halos kalahati ng katawan niya

- Di naging alintana kay lola ang kayang kalagayan, at matiyaga pa rin itong nagtitinda ng puto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagviral ang post ng The Filipino Insights kung saan binahagi nila ang larawan ng isang diumano'y nakakuba nang lola.

Nalaman ng KAMI na sa kabila ng sitwasyon ng di pinangalanang lola ay matiyaga pa rin itong nagtitinda ng puto tuwing madaling araw.

Ayon sa netizen na nagbahagi ng larawan, naawa raw talaga siya sa kalagayan ng matanda kaya naman minabuti niya na abutan ito ng 100 piso.

Nagulat siya nang abutan siya ni Lola ng tatlong balot ng puto ngunit di na niya ito tinanggap. Sinabi niya kay lola na tulong na lamang niya ito sa matanda. Laking pasalamat ni lola sa netizen at sinabing ipagdarasal niya ito.

Labis itong ikinatuwa ng netizen na ayon sa kanya, masarap daw sa kalooban na makatulong sa matanda sa munting paraan niya.

Samantala, maraming netizens din ang naantig sa kwento ng matanda at nais sana nila itong matulungan. Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

"Naiiyak aq... kung kapit bahay q yan dq na pag tatrabahuhin yan.. aq na mag sasakripisyo sa abot ng makakaya q.. kung bigas at ulam lng nman.. bukal sa puso q ang tumulong... napaka swerte nila at may mga magulang na ganyan kahit matanda nagagawa padin mag sakripisyo.. Godbless sau nay sana mag kita din tayo... ingat po palagi..."

"For me, this is one of the person should received a pension fr. the govt. Pls. inform the DSWD about this woman."

"Kawawa naman po si nanay,may god guide you always and bless you for everydays routin.sana makita ng may magandang kalooban si nanay at matulungan nadin."

" kawawa nmn po c lola...at wlang kunsensya nmn ung ank nla iniwan pa ang dlwng ank nya sknla gnyn na nga kalagayan ni lola...kawawa nmn cla..kng myaman lng aq bbgyn q c lola ng perang pngpuhunan sa maliit na grocery pra d na po cla mgtinda ng puto tuwing mdaling arw..god bless po lola sna po matulungan po nla kau..."

"Oo nga ano kwa2 tlaga lalo nat nku2ba na sa pagha2bapbuhay, kya lking pslalmat ko sa ating pnginoon na bnigyan ako ng mba2it na anak at ayaw na akong mag, work, kya ang gnagwa ko gngawa ko ang lhat ng pag aasikso pra khit paano mkbawi sa knila, sna isang araw mkita ko cia at mkbgay din ng konting tulong"

"#tulfo brothers pakitulongan naman po si nanay kahit naman Lang na ma.ipahanap nyo Ang walang hiyang anak niya na nag iwan ng dalawang bata ka nanay"

Some of the strangers from the Philippines were happy to be in the photo while others were confused and surprised. How would you react? Selfie With Strangers Challenge: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Humarurot ang San Miguel Beermen sa puntos na 104-99 laban sa Alaska Aces

Humarurot ang San Miguel Beermen sa puntos na 104-99 laban sa Alaska Aces

Humarurot ang San Miguel Beermen sa puntos na 104-99 laban sa Alaska Aces
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel