Grade 10 student, pahirapang nag-aaral sa dilim habang nagbebenta ng 'balut' pagkatapos ng klase

Grade 10 student, pahirapang nag-aaral sa dilim habang nagbebenta ng 'balut' pagkatapos ng klase

- Dala ng kahirapan sa buhay, piniling magbenta ng balut ni Sherwill Angel de Guzman tuwing gabi

- Determinado si Sherwill sa kanyang pag-aaral ngunit kinakailangan din niyang kumita ng pera kaya naman ginagawa niya ang kanyang takdang aralin sa gabi habang nagtitinda ito ng balut

- Nagviral at hinangaan ng marami ang Grade 10 na estudyante na ito dahil sa matinding sakripisyo para matulungan ang sarili at maging ang kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang humanga sa Grade 10 na student mula sa Calasiao, Pangasinan na si Sherwill Angel de Guzman dahil sa napagsasabay niya ang pag-aaral at ang pagbebenta ng 'balut' sa gabi.

Nalaman ng KAMI na dahil sa kahiapan, naisipang magtinda ni Sherwill ng balut pagkatapos ng kanyang klase hanggan gabi.

Ginagawa niya ito dahil sa matinding determinasyon na makatapos sa pag-aaral at nakakuha ng magandang trabaho balang araw.

Di ikinahihiya ni Sherwill ang pagbebenta ng balut dahil para sa kanya, malaki ang maitutulong sa kanyang magulang na alam niyang matindi na ang sakripisyo para sa kanila.

Pag mayroon siyang takdang-aralin, ginagawa niya ito habang nagbebenta siya ng balut at tanging gasera lamang ang nagsisilbing liwanag niya.

Kaya naman maging ang guro ni Sherwill na si G. Freddie Gaspar ay labis na humahanga sa katatagan ni Sherwill at sa pananaw nito sa buhay.

Kaya payo ni Sherwill sa mga kapwa niya kabataan, pahalagahan ang sakripisyo ng magulang at sikaping masuklian ang paghihirap ng mga ito balang araw.

Umabot na sa humigit 400k views ang video tungkol kay Sherwill, patunay lang na marami ang humahanga kasipagan ng dalaga.

Some of the strangers from the Philippines were happy to be in the photo while others were confused and surprised. How would you react? Selfie With Strangers Challenge: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon

Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon

Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel