Babaeng 'taong bangus', nakapagtapos ng kolehiyo sa kabila ng matinding panunukso mula pagkabata

Babaeng 'taong bangus', nakapagtapos ng kolehiyo sa kabila ng matinding panunukso mula pagkabata

- Tinutuksong 'taong bangus' si Cindy Malangen dahil sa kanyang kondisyon sa balat

- Dahil dito, nawalan talag siya ng kumpiyansa sa kanyang sarili ngunit matapos maipalabas ang kwento ng kanyang buhay sa Maalala mo kaya 5 taon na ang nakalipas, nanumbalik ang lakas ng loob at tiwala niya sa sarili

- Kamakailan, nakapagtapos na si Cindy sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Civil Engineering

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabili ng matinding panunukso sa kanya, di naging hadlang ito para abutin ni Cindy Malangen ang kanyang mga pangarap.

Nalaman ng KAMI na tinutukso si Cindy na taong bangus dahil sa kondisyon niya sa balat na tinatawag na harlequin ichthyosis. Nagkakaliskis ito kaya naman tintawag siyang 'taong bangus'.

Ayon sa ABS-CBN news, inamin ni Cindy na talagang nawalan siya ng kumpiyansa sa sarili dahil dito. Ngunit matapos maipalabas ang kwento ng kanyang buhay sa 'Maalaala mo kaya' limang taon na ang nakalilipas, muling nanumbalik ang tiwala ni Cindy sa kanyang sarili.

"Naging matatag po ako, hindi na po ako mahiyain," kwento ni Cindy.

Sa katunayan, naglingkod pa si Cindy sa kanilang komunidad nang siya ay nanalong kagawad ng Sangguniang Kabataan.

Kamakailan, isa na namang mahalagang bagay ang napagtagumpayan ni Cindy nang magtapos siya sa kursong Bachelor of Science in Civil Engineering.

Walang pagsidlang ng kaligayahan si Cindy at ang buong pamilya niyang nakasuporta sa kanya.

Sa ngayon, naghahanda na si Cindy para sa licensure exam nila upang makapagtrabaho na rin at matulungan ang kapatid naman niyang si Wendy na huminto pa ng pag-aaral para magbigay daan muna sa kanya.

Some of the strangers from the Philippines were happy to be in the photo while others were confused and surprised. How would you react? Selfie With Strangers Challenge: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands

Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands

Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel